Chapter 31: Expiry Family

648 19 0
                                    

Chapter Thirty One: Expiry Family

=Mayumi's POV=

"By the way, who killed your parents?"

Ngumiti lang ako bago magpatuloy sa paglabas sa kusina. This is not the right time to tell him about my real reason and about on what he asked.

Pagkalabas ko ng kusina agad ko namang hinanap si Sabino. Sa sala lang naman ang diretso nun kaya dun ako dumiretso.

Magkatabi silang nanonood ni Sandro.

Tumabi ako sakanya kaya agad siyang lumingon sakin. "Are you okay?" Nakangiti kong tanong sakanya.

Mapait siyang ngumiti bago tumango. Nakikita ko pang nanginginig ang kamay niya. "Sa tingin mo ba kaya niya kong kainin? Kakainin niya talaga ako?" Umiwas siya ng tingin sakin. Kinakabahan sa isasagot ko.

"Yes. Of course, she's a vampire. What do you expect?"

Tumungo siya sa sagot ko. Napailing nalang ako nung naririnig kong humihikbi siya. "Pero may tip ako sayo."

Nag angat siya ng ulo at tinignan ako. Ngumiti ako na nag paalis ng kaba niya at ng kung ano-anong pumapasok sa isip niya.

"Pag kakagatin ka na niya. Tell her that she's beautiful." Tumatango tango kong sabi sakanya.

"Ha?"

Tinap ko ang balikat niya. "Kidding. Tell her that you love her. Hindi ka na niya kakagatin. Trust me. Tatalab yun." Kinidatan ko siya bago ako tumayo at umakyat sa kwarto ko.

*~*~*~*~*~*

=Rence's POV=

"Yeah. Whatever."

["Just go home as soon as possible."]

"K."

Binaba ko na ang tawag bago pa siya makapagsalita. My parents is back with my brother. Kaya siya tumawag dahil pinapauwi ako. I have this feeling na hindi ako naeexcite na makita sila.

Lumabas ako ng kusina at nag punta ng sala.

"Sabino. Tell her that I'll be going home."

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon