Chapter 19: Move out

701 21 1
                                    

Chapter Nineteen: Move out

=Magic's POV=

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto agad akong tumakbo para salubungin si Yannie.

"Yann--" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko siyang malungkot. Tuwing sasalubungin ko siya pag dumarating masaya naman siya. May nangyari kayang hindi maganda?

"Anong nangyari sayo? May nangyari ba sayon hindi maganda? May na-encounter ka nanaman bang bampira sa labas? May nambastos ba sayo? Ano? Sumagot ka naman."

Umupo siya sa sofa kasabay ng pagbaba ng bag niya. Tipid siyang ngumiti. Nag buntong hininga siya na parang may malaking problema.

"Oh? Ano ba kasing nanyari sayo?"

Sumandal siya sa sofa tsaka pumikit.

"Gusto mo bang ipag luto kita? Nagugutom ka ba?" Nag aalala kong tanong sakanya. Hindi naman dinadapuan ng sakit ang bampira bakit matamlay siya?

Nanatili lang siyang naka pikit pero umiling siya. Sigurado akong gutom siya. Paano ko nalaman? Basta alam kong gutom siya. Nararamdaman ko lang ^__^

"Lipat na tayo." Nakapikit niyang sabi. Punong puno rin ng problema ang pananalita niya.

Umupo din ako sa sofa katabi niya. "Lilipat ng ano?"

Umalis siya sa pagkakasandal at tinignan ako. Ngumiti siya. "Lipat na tayo ng bahay."

Kumunot ang noo ko. "Bakit lilipat na tayo ng bahay? Nahanap na ba tayo ng mga humahanap satin?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. M-marami na kasing hindi magandang nangyayari dito sa lugar na to kaya lumipat na tayo."

Umawang ang labi ko at nanliit ang mata. "Nakakapanibago ka. Halos lahat naman ng tinitirhan natin maraming hindi magandang nangyayari pero sige, kelan ba tayo lilipat?"

Ngumiti siya. "Ngayon na."

"NGAYON NA?! NAG BIBIRO KA BA?! GABI NA KAYA!"

Nag pout siya. "Sinisigawan mo ba ko?" Mahina niyang tanong.

Inirapan ko siya. "Sorry. Bakit ngayon na agad? Saan naman tayo lilipat?"

"Madali lang yan." Taas noo niyang sabi habang naka ngiti. Tumayo siya bitbit ang backpack niya.

"Mag empake ka na. Tatawag lang ako ng kakarga ng gamit natin."

Bagsak ang balikat niyang nag lakad papunta sa kwarto niya. Napabuntong hininga ako. Ano kayang problema niya? Bakit parang lutang na lutang siya?

Tumayo narin ako para pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang maleta ko na nasa loob ng closet ko. Nilabas ko muna lahat ng damit ko na nasa loob ng cabinet tsaka ako umisip ng paraan kung paano magkakasya lahat to sa dalawang maleta ko.

Maayos naman ang kalagayan namin dito. Maiintindihan ko naman kung bakit kami lilipat kung sasabihin lang sakin ni Yannie kung anong problema niya, hindi yung pinag iisip niya ko ng bonggang-bongga —,—

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon