Chapter 32: Reynaldo Expiry

642 26 0
                                    

Chapter Thirty Two: Reynaldo Expiry

=Mayumi's POV=

"T-teka muna! Ang daya mo naman eh."

Dumakot ako ng buhangin na nasa pasong hawak ko. Binato ko yun sakanya pero tumawa lang siya, natawa din ako nung tumama yun sa mukha niya.

WHAHAHA! KAKAWANG SABINO.

Hmm?

Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Hindi nga ko nagkamali at nakita kong seryosong nakatingin samin si Mr. Principal. Ngumiti ako at kinawayan siya.

Lalapitan ko sana siya nang biglang may lumabas sa pintuan ng bahay niya at umakbay sakanya yung lalaking lumabas dun.

Inis namang inalis yun ni Mr. Principal.

Tumingin sa gawi ko yung lalaking lumabas dun sa pinto ng bahay ni Mr. Principal tapos ngumiti. Naalala kong nakita ko na siya sa picture, siya yung kapatid ni Mr. Principal.

Nakauwi na pala? Alam ko kasi nasa ibang bansa yan eh.

Nagpatiuna sa paglalakad si Mr. Principal nung naglalakad na palapit dito ang kapatid niya.

Hinawakan ni Mr. Principal ang magkabilang balikat ko.

"Hindi ka ba nilalamig?" Kunot noo niyang tanong.

Mahina akong natawa. Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero naunahan na ko ni Sabino.

"Hindi yan lalamigin." Mahina ding natawa si Sabino.

Nakapatay na yung hose. Ibinaba naman ni Mr. Principal ang hawak kong paso. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila papasok sa bahay.

Napahinto ako nung may humawak sa isa kong kamay bago pa ko makapasok sa bahay. Napahinto rin si Mr. Principal dahil nga hawak niya ko.

Sabay kaming tumingin ni Mr. Principal dun sa humawak sa kabilang kamay ko.

Yung kapatid niya. "Hi."


Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Mr. Principal at hinarap ko ang kapatid niya.

"Hi."

"My name is Rey. You can call me your prince, my princess." Hinalikan niya ang likod ng palad ko matapos sabihin yun.

Kung malaki ang ngiti niya kanina mas lalong lumaki ngayon. Gusto ko sanang basahin ang isip niya pero blangko yun.

"Ang lamig mo. Nilalamig ka na ata."

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon