Chapter 38: It's Okay

605 26 0
                                        

Chapter Thirty Eight: It's Okay

=Mayumi's POV=

*clap*clap*clap*

Alam kong tatay ni Rence ang pumapalakpak pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa kuya ni Rence na nakangisi. Dahan-dahan pa siyang tumayo at pinandilatan ako.

"Kung tatapusin kita, mawawalan ako ng milyon-milyong halaga. Pasalamat ka at ikaw ang alas nila."

Tumingin ako sa mga taong nadamay dito. Hindi ko nalang dapat pinilit na maging katulad nila dahil napakagulo pala nila. Kung iniisip naming mga bampira na puro kasiyahan lang sila, hindi pala.

Kaya tao ang may pinakamalaking parte sa mundo ang nilikha ng diyos. Tao kasi ang may kakayahang mag-isip, mag-alaga at magmahal sa ibang mga nilikha.

Napahawak ako sa pisngi ko. Ano to? Tubig?

"Yumi."

Napatingin ako kay Sabino ng marinig ko ang nag-aalalang boses niya. Hindi pa ganun katagal ang panahong nakasama ko sila kaya ayokong magtapos nalang 'to ng basta-basta.

Nakarinig ako ng maraming yapak na tumatakbo papalapit sakin pero hindi ko inalis ang tingin ko kila Sabino. Parang pagod na pagod sila.

Nadamay din si Detective Yu.

"Alam mo naman sigurong wala na kayong pag-asang makalabas dito."

Humarap ako sa tatay ni Mr. Principal. Sino ba namang mag aakalang sa pangalawang pagkikita namin eh magpapatayan kami? Tsk.

Inikot ko ang paningin ko. Napapalibutan ako ng mga bampirang naka itim na hood. Kitang-kita ko din ang itim na awra na lumalabas sa katawan nila. Galit.

"Ngayon na!"

Sabay-sabay silang sumugod ng sumigaw ang kapatid ni Rence. Napangisi ako ng 'maramdaman' kong tumutulo ang pawis ko mula sa noo papuntang pisngi. Pinunasan ko 'to tsaka ako umambang susugod sakanila.

"Mag iingat ka, Yumi." Rinig kong bulong ni Sabino.

"AAAAHHHHHH!" Sigaw ko.

Sinipa ko yung unang bampira na nanguna sakanilang tumakbo tumalsik siya sa iba niyang kasamahan kaya nagsitumbahan sila. Hindi din naman sila nag tagal sa pagkakaupo ng tignan sila ng masama ni Dr. Rey.

Hindi ko na ikinabigla ng may sumakal sakin. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga dahil sa sobrang lapit. Pinihit ko ang kamay niya papunta sa likod niya tapos sinipa ko siya sa likod.

"Ah!" Daing ko ng may sumipa sakin mula sa likod dahilan para mapahiga ako sa buhanginan. Babangon na sana ako ng sabay-sabay silang sumugod sakin.

Pinagcross ko ang kamay ko para maharangan ang mga kalmot at malalakas na suntok na pinapakawalan nila. May humatak ng buhok ko pataas kaya pakiramdam ko ang nakatingala ako kahit nakahiga.

May humawak sa magkabila kong paa. Pinilit nilang kuhain ang kamay ko at inilagay ko yun sa taas ng ulo ko. Wala akong kawala.

She's A Blood HaterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon