Chapter 5: Real Yumi

1.1K 30 3
                                    

Chapter Five: Real Yumi

=Mayumi's POV=

Naglalakad na ko sa hallway. Katulad kahapon ganun parin ang eksena. Pinagtitinginan ako, binabati at bumabati rin ako pabalik. Kinakawayan ko pa sila habang nag lalakad ako. Magiging nice pa ba sila pag nalaman nila kung sino talaga ako? *sad face*

Skip to that thought! Anyway, papasok na ko ng classroom ng may sumalubong sakin ng yakap. Isang napakalakas na pagsalubong. Muntik na nga kaming ma-out of balance na dalawa.

"Good moring, Yumi. Kamusta ang gising mo? Ako hindi maganda. Nag away nanaman kasi ang mama at papa ko kaya eto."

Sabi niya habang papaupo kami.

"Maganda naman ang gising ko."

Bigla naman siyang nag blush at nagningning ang mata.

"Ang ganda talaga ng boses mo. Ang ganda mo pa. Galing ka ba sa ibang bansa?"

Nakangiti akong umiling.

"Ang tagal naman ni, Kate. Last year rin madalas talagang late yun."

Remember, Marian and Kate? Yung kahapong lumapit sakin na dalawang babae? Si Marian ang kausap ko ngayon.

Infairness, ang daldal niya.

Pumasok si Ms. Gonzaga. Ang first period teacher namin. Maganda siya. Pero kahapon pa matalim ang tingin niya sakin.

Nakangiti akong nakikinig sakanya. Paminsan-minsan sinusulyapan niya ko ng tingin kahit hindi naman dapat.

"Excuse me."

Lumingon kaming lahat sa may pinto ng may malamig na boses ang nag salita.

Si Mr. Principal lang pala.

Hindi naman na nag aksaya pa ng laway ang nga estudyante dahil hindi na sila bumati.

"Ayaw kasi ng principal na binabati siya eh." -bulong ni Marian.

"Can I excuse, Ms. Beils?"

Tumingin naman silang lahat sakin. Naman! Ano nanaman yun, Mr. Principal? Ayoko ng mag skip ng klase!

Tumayo ako ng tumango si Ms. Gonzaga at sinenyasan akong lumabas. Binitbit ko ang bag ko at lumapit kay Mr. Principal na naka poker face na. Okay. Cute niya dun.

"Follow me."

Sumunod ako sakanya. Pumasok kami sa principal's office. Nandun din ang apat niyang kaibigan na nanonood.

Umupo si Mr. Principal sa swivel chair niya at tinignan ako ng masama.

"I check your backgrounds."

Lumapad ang ngiti ko.

"Stalker na pala kita?"

Inirapan niya ko tsaka nagpatuloy.

"Nag aral ka sa mga sikat na college university. Lagi kang nangunguna sa buong school."

Nawala ang ngiti ko at nag seryoso.

"Ngayon, nag aaral ka dito sa university KO! Ilang taon ka na ba talaga?"

Pumikit ako at huminga ng malalim. Totoo yung sinabi niya. Halos lahat ng sikat na college university sa bansa napasukan ko na. Ako pa nga lagi ang nangunguna.

Dinilat kong muli ang mga mata ko at nginitian si Mr. Principal, pati na rin ang apat na kaibigan niyang nag silapitan ng marinig ang sinabi niya.

Alam kong mapagkakatiwalaan ko sila. Sana.

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon