Chapter 35: She's The Project

598 15 0
                                        

Chapter Thirty Five: She's The Project

=Magic's POV=

Ilang beses ko ng pinaulit-ulit na panoorin ang cctv copy na hiningi ko sa control room nitong subdivision. Naiinis na ko dahil paglabas ni Yannie ng bahay bigla nalang nag blur lahat ng cctv footage. Mas pinili naming wag ng mag report sa pulis pero humingi ng tulong si Sandro kay Detective Yu.

Nandito kami sa bahay. Si Rence, Eds, Jian, Sandro at Detectuve Yu. Busy kaming lahat. Kanina pa inaayos ni Detective yung cctv copy, kanina pa siya nakatutok sa laptop niya. Paano nga ba namin siya napilit? Basta ang alam ko lang nung si Sandro na ang kumausap sakanya pumayag naman agad.

"AAAHHHHH!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napatingin silang lahat sakin.

"Narinig niyo ba yun?"

"Ha?" Takang tanong ni Jian.

Natampal ko ang noo ko. "Narinig niyo ba yun? Yung sumigaw. Boses yun ni Yannie."

Nagkatinginan silang apat. "Wala kaming narinig." Iiling-iling na sabi ni Detective.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko. "Parang galing sa bahay mo Rence." Mahinang sabi ko.

Tumayo si Rence at nagdire-diretso sa pinto.

"Saan ka pupunta?"

"Basta."

*~*~*~*~*~*

=Third Person's POV=

Inilayo si Yumi ng dalawang lalaki kay Marianne. Wala paring malay si Marianne na nakahandusay sa sahig.

"Itali niyo na yan." Utos ni Reynaldo sa dalawang lalaki na may hawak kay Yumi. Walang kamalay-malay si Yumi na nakagapos na ulit siya sa lamesang pinagkakahigaan niya kanina.

Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Yumi dahilan para matauhan siya. Pumatak ang isang butil ng luha ni Yumi mula sa pisngi niya. Bumagsak ang isang patak ng luha niya sa lamesa na puno ng dugo. Awtomatikong namuo ang mga dugong nahaluan ng luha niya.

Ipinikit ni Yumi ang mga mata. Pumasok sa kanyang alaala ang mga nangyari noon. Ang pagpatay sa mga magulang niya, ang pagpapahirap sakanila ni Magic, ang pagdating ni Rence para pahirapan siya, ang pagliligtas ni Sabino sakanila at ang pagkamatay nito.

Bumabalik siya sa nakaraan. Alam na alam niya na ang mga nangyayari ito ay katulad ng nangyari noon.

Si Rence! Siya ba?

Napadilat si Yumi ng maramdamang may bumaon na karayom sa pulsuhan niya. Nakita niya ang isang lalaking may mask at nakatingin ang mga mata nito sa mata niya.

She's A Blood HaterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon