Chapter Thirty Two: She's Missing
=Magic's POV=
Nakahawak ako sa noo ko habang nakatitig sa kisame. Nakahiga ako ngayon dito sa kama ng kwarto ko. Wala pa kong balak lumabas dahil naiinis ako kay Sabino. Hindi muna kasi siya nag isip bago sugatan ang daliri niya eh! Hindi ba niya napansin na nandun ako sa kusina kanina?! Hello! Magkakausap-usap kaya kaming tatlo nila Yannie.
Gabi na at nagugutom narin ako. Naririnig kong bukas ang tv sa sala at ang malakas na tawa ni Sabino. Mukhang okay naman na siya.
Umupo ako sa kama ko. Nakita ko ang repleka ko sa salamin. Nakikita naman talaga namin ang repleka namin sa salamin dahil bampira kami at hindi aswang.
Pinunasan ko ang natuyong dugo sa gilid ng labi ko. Hindi pa ko pinupuntahan ni Yannie dito para dalhan man lang ako ng pagkain. Hays.
No choice naman ako kung hindi bumaba na. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Nakita ko kasing nanonood ng cartoons si Sabino kaya hindi niya ko napansin.
Napadiretso ako ng tayo ng makita ko si Rence na nagdudutdot sa cellphone niya. Kunot din ang noo niya as usual.
Kumuha nalang ako ng makakain ko sa ref.
Umupo ako sa tapat ni Rence.
"Kanina pa ko hindi tinitext ng bampirang yun!" Sabi niya tapos tumingin sakin.
"Si Yannie ba?" Tanong ko.
Sumimangot lang siya at nagsalumbaba. Nilingon ko ang wall clock na nakasabit at nagsusumigaw to ng alas-onse.
Nagkibit balikat ako at inisip kung saan magpupunta si Yannie ng ganitong oras. Ni hindi ko nga yun mapalabas para bumili ng toyo pag naubusan kami.
"Sino ba huling kasama niya?" Tanong ko tsaka isinubo ang hotdog na hindi ko niluto.
Nag angat siya ng tingin sakin. "Kuya ko."
Tumango-tango ako. "Kuya mo naman pala eh."
"Kaya nga mas delikado eh."
Ako naman ang nag angat ng tingin sakanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"B-basta. Baka nag punta lang siya sa kung saan."
Tumayo siya at lumabas ng kusina. Nagkibit balikat ulit ako. Pero hindi naman umaalis yun ng hindi nag papaalam. Weird.
-----
Napabangon ako sa kama ng makita ko kung anong oras na. Hndi parin umuuwi si Yannie at wala rin akong natatanggap na text sakanya. Alam naman niya kung gaano ako nag aalala pag hindi siya umuuwi agad. Ang babaeng yun! Imposible namang pumasok yun sa trabaho o kaya pinatawag ng manager niya. Asar!

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
مصاص دماءYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?