Chapter Fifthteen: Black Note
=Mayumi's POV=
"Ang corny naman ng kwento nila." Naka ngusong sabi ni Mr. Principal, cute niya dun. Dun lang siya.
"Ganun talaga. Hindi mo naman mapipigilan ang puso mo kung kanino titibok ito." Inirapan niya ko kasabay ng pagbato ng maliit na hotdog. Shoot sa bibig ko, 3 points!
Inunat niya ang dalawang kamay niya tsaka tumayo at muling nag unat.
"Kailangan ko ng umuwi, may pasok pa ko." Hindi na niya ko inantay mag salita at bigla nalang lumabas ng kusina.
"Zzzzzzzzzz." Napatingin naman ako kay Magic na naka yuko sa table habang nag hihilik. Nakangiti akong umiling-iling. Tuwing naririnig niya ang kwento ni Dr. Aw inaantok talaga siya.
Lumabas narin ako ng kusina. Pumunta ako sa sala para antayin si Mr. Principal naririnig ko ang pagbagsak ng mga gamit ko sa taas at ang naiirita niyang boses.
Kesyo ang dami daw arte ng kwarto ko, ang dami daw manikang bampira, ang dami daw kulay pink at itim na kulay ng mga gamit. Hay naku!
Narinig ko ang mga yapak niya na pababa ng hagdan kaya nag kunwari akong nanonood ng t.v at kunyare hindi ko siya napansin, tumatawa pa nga ko kunyare para solid ang acting ko.
"Umiiyak yung bida sa pelikula tapos tumatawa ka. Muka kang timang diyan."
Tumigil naman ako sa pagtawa ng marealize ko ang sinabi niya. Oo nga. Bakit hindi ko napansin na naiyak pala yung bida sa pelikula?
Tumingin ako kay Mr. Principal, suot na niya ang damit niya kagabi. Naka suklay narin siya ng buhok at hmm...
Ginamit niya yung panlalaking pabango na nasa cabinet ko. Regalo yun sakin ni Magic, hindi naman daw niya alam na panlalaki yun kaya hindi ko na ginamit.
"Binuksan mo yung cabinet ko." Poker face kong sabi sakanya. Nagkibit balikat lang siya.
'Alam ko namang nalalaman mo kaya hindi ko na pinaalam.' Sabi niya sa isip.
Tinatamad ba tong mag salita?
"Alis na ko."
Sinundan ko siya palabas ng pinto hanggang sa gate. Hindi na ko lumabas pa ng gate pero nag taka ako kung bakit siya tumigil dun.
"Bakit? May problema ba?"
May dinampot siya. Pilit kong sinisilip yun pero masyado siyang malaki, naka haranh siya sa gate. Humarap siya sakin na may hawak na itim na box na may ribbon na pula. Tumingin siya sakin.
"Para sayo ata to."
Lumapit ako sakanya at kinuha yun.
"Ingat ka baka bomba yan." Sabi niya pagka abot sakin. Nginitian ko lang siya atsaka kumaway ng papaalis na siya. "Ikaw ang mag ingat."
Sinarado ko ang gate ng hindi ko na siya matanaw. Pumasok ako ng bahay at pumunta sa sala, umupo ako sa sofa ng hindi inaalis ang tingin sa box na itim. Wala naman akong inaasahan na mag reregalo sakin dahil matagal pa ang kaarawan ko. Hindi rin naman pwedeng kay magic to dahil may pangalan ko.
Inalis ko ang pagkakatali ng ribbon. Inalis ko ang takip ng box pero meron pa ulit na box sa loob. Inalis ko ang takip nun, kumunot na ang noo ko ng may box nanaman. Pagka alis ko ng takip ng panibagong box ganun parin ang nangyari, may box nanaman. Pag eto walang laman at pinagti-tripan lang ako... hay naku!
Inalis ko ulit ang takip pero this time wala ng panibagong box. Merong sobreng itim na may ribbon na pula. Kinuha ko yun at inamoy. Amoy dugo! Kadiri! Hindi na ko magtataka kung kanino galing to. Galing to sa kapwa ko! Galing to sa mataas na uri ng bampira!
Inalis ko ang ribbon na nagsisilbing lock ng sulat. Binuksan ko ito kasabay ng pagtakip sa ilong ko. Dugo kasi ang pinansulat dito.
'I already found you.
How lucky I am, right?
Look into my eyes and I will zip your blood.
Your the only way to make me live.
I am your nightmare,
While you think Im your Prince Charming.
Your the only way to make me live.
Im the only way to end your life.
Im the rule, your my slave.
And I know what to do, to a vampire like you.
This is a black note from the highest vampire court.'
Lalo namang kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Ano to? I mean, para saan to? B-bakit may gantong sulat ako? Hindi ko maintindihan.
Death sentence ba to? Pero bakit ganito? Nagpapadala lang ng letter ang nakakataas na bampira pag may nagawang kasalanan ang padadalhan nito. Kadalasang laman ng sulat eh kung paano papatayin ang nagkasala.
Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na may hawak akong sulat na galing sa nakakataas na bampira.
Ibig sabihin...
NAHANAP NA NILA KAMI!
Posible kayang lilipat nanaman kami ng tirahan? Pero saan?
Nakarinig ako ng mga yapak na papunta sa sala kaya bigla kong tinago ang sulat. Nakangiti ko namang sinalubong ang kakagising lang na si Magic.
"Bakit pinagpapawisan ka? Naka bukas naman ang aircon ah." Inabot-abot pa niya yung aircon para alamin kung may lumalabas na hangin dito. Pinunasan ko naman ang pawis na sinasabi niya.
"W-wala to. Bakit nga pala parang antok na antok ka?" Pag iiba ko ng usapan. Nag peace naman siya at alanganing ngumiti.
"Nag crave kasi ako sa blood kagabi kaya pumunta ako ng ospital para bumili ng dugo." Naningkit naman ang mata ko habang naka ngiwi sakanya. Yucks!
"Maka yuck ka naman diyan. Bampira tayo kaya normal lang satin yun." Naiinis niyang sabi. Binasa niya ang isip ko -__-
Tinuro niya yung lamesa na pinagpatungan ko ng box. "Ano yan? May natanggap ka bang regalo? Patingin naman!" Naeexcite niyang tanong. Tumabi siya sakin sa sofa. Lalo ko namang tinago ang black note na nasa kamay ko.
"Wala akong natanggap na regalo. Ano kasi... A-ano, nag babalot ako ng regalo para kay Mr. Principal kaya meron akong ganyan. Nagbabalot ako ng regalo." Pagsisinungaling ko sakanya. Tinignan niya ko sa mata kaya ngumiti ako. Wala kang mababasa diyan ^_^
"Weird mo. Dapat man lang hindi black yung gamitin mong gift wrap. Cheap nito." Tumayo siya sa sofa at pumasok sa kusina.
Nilabas ko ulit yung sulat at muling binasa. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang ibig sabihin eh.
Your the only way to make me live.
Ako ang paraan/daan para mabuhay siya? Sino bang patay ang kailangan buhayin na ako ang solusyon?
Vampire hunter kaya ang nagpadala ng black note na to?
*~*~*~*~*~*
Author Here: Natagalan T_T Malapit na kasi ang pasukan eh. Patawad sa maikling update ^__^v
Thanks for reading!
Mahal ko kayo :*
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
UpířiYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
