Chapter Twenty One: Sad
=Sandro's POV=
Pinatong ko ang baba ko sa palad ko na nasa ibabaw ng mesa. Nakatingin kami ngayon sa tulalang si Rence. Kung hindi lang siya magagalit pag binato ko, kanina ko pa siya binato.
"Kausapin niyo na nga yan. Mamaya pala sinasapian nayan kaya ganyan katahimik." Sabi ni Marian. Pinalo niya pa ang braso ko.
Tsk. Im Sandro See. The end.
"Kayo na kumausap diyan. Kung sinasapian nga yan baka sakalin pa ko pag lumapit ako sakanya."
Napa poker face naman si Marian at Kate. Bakit ba? Kung sinasapian nga talaga siya edi nayari ako diba?
Kasama ko dito sila Marian, Kate, Sabino, Jian, Edison at ako. Isama narin si Rence na nandito rin pero parang wala. Magda-dalawang linggo na siyang ganyan. Magda-dalawang linggo narin naming hindi nakikita si Yumi. Kamusta na kaya siya?
Nandito kami sa principal's office.
"Kausapin mo na kasi!" Sabi ni Sabino at pinalo rin ang braso ko.
Aarrggh! Bakit ba sila palo ng palo?!
"Bakit ba kasi ako?! Kayo nalang."
Nagbuntong hininga lang silang lahat. Naka upo kami dito sa sofa habang pinagmamasdan si Rence. Pinagsisisihan naman na daw niya yung nagawa at mga nasabi niya kay Yumi. Nadala lang daw talaga siya ng init ng ulo dahil daw na pressure siya, siya kasi ang nagpapatakbo ng university na to at ngayon lang to nangyari sa tagal-tagal ng nakatayo nitong university niya.
Kumulo daw ang dugo niya.
Tsk! Sana nag kape na siya kung uminit na pala ang dugo niya. Hindi man lang niya kasi pinag iisipan ang mga binibitawan niyang salita.
Nakikinig kasi kami nila Sabino, Edison, Jian, Kate at ako. Nung una pinapaalis namin si Kate pero sinabi niya na alam naman na niya kung ano talaga si Yumi, kaya ayun. Nakinig kaming lima sa usapan nung dalawa. Balak nga sanang ipagtanggol ni Sabino si Yumi pero pinigilan siya ni Kate. Hayaan lang daw yung dalawa.
"Titigan niyo. Mukang nasisiyahan pa kayo. Kausapin niyo na yun." Naiinis na sabi ni Marian.
Hinawakan ko yung braso ni Marian at pilit ko siyang hinahatak. "Ikaw na. Ikaw naman yung nay gusto diba? Kanina ka pa." Pinalo ni Jian yung kamay ko.
"Wag mo ngang ginaganyan yan. Concern citizen lang naman siya."
Sinamaan ko ng tingin si Jian. "Pagtanggol mo. Pag buhulin ko kayo eh."
Binalik ko nalang ang tingin kay Rence. Nag buntong hininga siya tsaka yumuko sa table niya. Kanina pa ang dismiss ng klase pero mas pinili muna naming manatili dito.
Baka mamaya mag suicide siya dahil sa sobrang lungkot at pangungulila. Daig niya pa ang namatayan eh.
"Well, Mr. Expiry– Rence nalang pala, hindi naman na oras ng klase. Pwede bang kumain ka muna? Hello! Magda-dalawang linggo ka ng hindi kumakain. Umiinom ka lang ng tubig." Mahabang sabi ni Kate. May pagkamadaldal talaga siya minsa. Minsan naman sobrang sungit niya.
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
