Chapter Twenty Seven: Park
=Mayumi's POV=
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumambad sakin ang puting kisame. Napalingon ako sa tabi ko ng maramdamang hindi lang ako nag iisa dito. Puro pasa at sugat parin si Camille pero sa tingin ko naman ay makakaya niya yan.
Dahan-dahan akong umalis sa kama ko at umupo sa harap ng salamin ko. Pinagmasdan kong maghilom ang mga sugat ko at unti-unting mawala ang mga pasa ko. Mabuti naman at mabilis paring mawala ang mga sugat ko.
*crkkkkkk*
Nagawi ang tingin ko sa pinto.
"Hi." Bati ko kay Magic.
Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Tanong niya tsaka naupo sa tabi ko. "May masakit ba sayo?" Dagdag niya.
Umiling ako. "Di naman ako tinatablan ng kahit anong sakit." Sagot ko sakanya sabay ngiti.
Tumango-tango naman siya at tumingin sa salamin para ayusin ang buhok niya. Nakita ko naman sa salamin ang pagpasok ni Mr. Principal sa pinto kaya napatingin ako sakanya.
"Buhay ka pa?" Kunyaring nagulat na tanong niya. Pinanlakihan niya pa kasi ako ng mata. "Buhay ka pa pala." Amaze na sabi niya.
Pumasok na siya ng tuluyan at inayos ang buhok niya sa harap ng salamin. Pinangsusuklay niya ang daliri niya.
"May masakit pa ba sayo?" Tanong ni Mr. Principal ng hindi naka tingin sakin. Sa salamin parin nakatuon ang atensyon niya.
Umiling lang ako. Nakatingin ako sakanya gamit yung salamin.
"Pumunta dito si Detective Yu."
Wala pang isang segundo napatingin na ko kay Magic, tumingin rin siya sakin. "Ano ba kasing nangyari?" Nag aalalang tanong niya. "Pano ka napunta sa lugar na yun?" Dagdag niya.
Umiling ako. Hindi ko alam pero napailing ako. "Basta narinig kong may nag uusap tapos sinundan ko yung nag uusap na yun. Dun ko nakita si Ms. Catelyn at Camille." Paliwanag ko.
Kumunot ang noo niya. "Ms. Catelyn? Kayong dalawa lang ni Camille ang naabutan namin dun. Both of you are unconsious."
I let out a heavy sigh. "It's complicated." Sabi ko nalang. Hindi ko pa masabi na napatay ko si Ms. Catelyn.
May kinuha si Magic sa likod niya at inabot sakin to. Isa-isa ko namang tinignan ang litrato ng park. Magulo, sira ang swing at slide, naglagas rin ang mga damo na dahilan ng pagkapangit ng park at...
Wait!
Napatayo ako sa kinauupuan ko na ikinagulat ni Magic at Mr. Principal.
"Bakit?" Sabay na tanong nila.
Tinignan ko silang dalawa at bumalik ulit sa litrato ang tingin ko tapos tingin ulit sa kanilang dalawa at tingin ulit sa litarto. Teka, naguguluhan ako ah.
"Ano ba yun?" Naiinis na tanong ni Mr. Principal.
"As I remember, hindi ganto ang damage na nagawa namin sa park. Hindi din ganto kadami ang nagkalat na dugo dun tsaka..."
Nag pause ako at tinignan ang litrato.
"Ms. Catelyn is already dead. Nakita ko kung pano siya maging abo at kung paano tangayin ng hangin ang abo niya. Bakit ganto?"
Tinignan nila ang hawak kong litrato tapos tinignan nila ako na parang hindi parin nakukuha ang punto ko.
"Anong meron?" Tanong ni Magic.
"Bakit nandito siya sa litratong to?"
Namilog ang mata nilang dalawa na mukang na gets na ako.
Nakahiga si Ms. Catelyn at sugatan. Buong-buo siya! Napapaligiran siya ng mga pulis at mukang chini-check siya. Nakapikit rin ang mata niya.
Imposible! Nakapaka imposible!
Lumabas ako ng kwarto ko at sinundan naman ako nila Mr. Principal. Nadaanan ko yung iba sa sala na natutulog at sila Eds na nanonood. Lumabas ako ng bahay at rinig na rinig ko ang pagtawag sakin ni Magic at Mr. Principal.
Nilakad ko ang medyo malayong park na pinangyarihan ng gulo namin kanina. Medyo malamig at manipis ang shirt na suot ko. Naka pajama naman ako pero ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na dumidikit sa balat ko. Papalubog na ang araw pero hindi ko na yun pinansin.
Ang iniisip ko lang ngayon na kailangan kong mabalikan ang park na yun. Nasa kabilang sidewalk lang ako at natatanaw ko na nag park, may mga pulis parin. Inantay ko na huminto ang mga kotse bago ako tuluyang tumawid.
Hindi pa ko tuluyang nakakalapit pero naramdaman na agad ni Detective Yu ang presensya ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng tuluyan na kong makalapit.
Sinilip ko ang gitna ng park pero wala na dun si Ms. Catelyn.
Binalik ko ang tingin kay Detective. "Nasaan si Ms. Catelyn?" Tanong ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "At bakit mo naman siya hinahanap?"
"Nasaan siya?" Pag uulit ko. Hindi ko na pinansin ang tanong niya. Kailangan kong makumpirma kung si Ms. Catelyn nga ba talaga yun.
"Hindi ka na dapat pumunta dito sa crime scene para lang itanong yan tsaka may kinalaman ka ba dito?"
Umiling ako. "Nasaan siya?" Pangatlong ulit ko.
Nag buntong hinga siya. "She's already dead. Pinadala siya ni Dr. Rey sa BB Morgue dahil gusto ni Dr. Rey na siya ang mag autopsy ng bangkay." Napipilitang sabi niya.
Tumango-tango ako at tinignan ang kabuuan ng park. Ibang-iba ang itsura nito nung nakita ko bago ang mawalan ng malay kanina. Hindi nawawalan ng malay ang bampira pero dala narin siguro ng hindi ko pag inom ng dugo kaya nangyari yun.
Tinignan ko ang mga malalalim na kalmot sa lupa at ang mga patak ng dugo malapit sa pinagbagsakan ni Camille kanina.
Amoy dugo ang buong paligid pero hindi ko na pinansin yun. Nangingibabaw naman ang amoy ng damit ko na dinadaanan ng hangin kaya nalalanghap ko yung amoy. Pero hindi nun matakpan ang lakas ng pang amoy ko sa dugo.
Habang umiikot ang paningin ko napansin kong may gumagalaw sa likod ng mga bushes sa gilid ng park. Pinikit-pikit ko ang mata ko para i-adjust sa madilim na parte ng park.
Aha! Hindi nga ko nagkakamali.
Hindi lang ako ang bampira na bumalik dito. May bumalik ding iba!
May mali talaga!

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?