Chapter 28: BB Morgue

701 16 0
                                    

Chapter Twenty Eight: BB Morgue

=Mayumi's POV=

Bumalik ako sa bahay para magpalit ng damit at kumuha ng pera. Tulog parin si Camille sa kwarto ko at hindi ko naman nakita si Magic at Mr. Principal. Tinatanong ako ni Sandro kung saan ako pupunta pero hindi ko na nagawang sumagot dahil sa pagmamadali.

Kasalukuyan akong nandito sa taxi papunta sa BB morgue. Hindi yun kalayuan sa pagkakaalam ko pero hindi pa ko nakakapunta dun.

Huminto ang taxi sa harap ng isang two floor na building na kulay gray at puti. Nagbayad ako bago bumaba ng taxi. Sinuot ko ang mask ko na hindi ko kinalimutang bitbitin. Walang guard pero may mga nakikita akong nurse sa loob na naglalakad. Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Tanging ang tunog lamang ng sapatos ko ang gumagawa ng ingay at ang malalim na paghinga ko. Hindi ko alam kung san ako mag tatanong kaya nung may padaan ng nurse ay agad kong tinawag.

"May bagong dala ba dito na Catelyn ang pangalan? Si Detective Yu yung naghahawak ng kaso niya sabi daw ia-autopsy daw siya." Pag explain ko. Hindi ko alam ang sasabihin eh.

"Meron nga. Kaano-ano mo ba yun?" Tanong niya at nakita kong humigpit ang hawak niya sa dala niyang folders.

"Estudyante niya ko."

Tumango siya. "Alam ko bawal siyang makita pero kung payagan ka man ni Dr. Rey pumunta ka sa taas, room 31. Nandun yung hinahanap mo." Seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako. "Salamat."

Umalis yung nurse ng walang iniwan na salita. Nag diretso naman ako sa paglalakad at tumapat sa elevator na may nakalagay na note na sira daw.

Okay. Second floor lang naman. Nag hagdan nalang ako. May mga nadadaanan akong nurse pero ni kahit isa wala man lang nag abala na tumingin sakin. I mean, diba minsan pag may makakasalubong ka hindi maiiwasan na mapapatingin yun sayo? Pero ito iba eh. Napapansin ko rin ang pagdistansya nila sakin.

Walang katao-tao kundi ako lang ang naglalakad sa hallway ng morgue.

Hehe. Okay, hindi ako tao.

Tumingala ako para kumpiramhin kung tama ba ang papasukan kong kwarto. Room 31. May siwang naman ang pinto kaya hindi na ko kumatok at diretso ng pumasok. Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki na nakadamit pang doktor. Sa gilid naman nito ang ang malaking kama na hinihigaan ni Ms. Catelyn.

Umismid ako para maagaw ang atensyon ng nakatalikod na doktor. Mukang nagulat ito dahil mabilis pa sa alas kwatro ang pag lingon nito. Inamba pa nito ang hawak na injection.

Inalis ko ang mask ko at ngumiti sakanya. "Pasensya na po at nagulat ko kayo. Ako nga po pala si Yumi. Ikaw ho ba si Dr. Rey?"

Binaba nito ang hawak na syringe at umayos ng pagkakatayo. "Ako nga."

Naka suot siya ng mask at mukang wala siyang balak tanggalin iyon. Nilingon ko ang bangkay ni Ms. Catelyn kaya tumingin rin dun si Dr. Rey.

"Kaano-ano mo ba siya?"

"Estudyante niya ho ako."

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon