Chapter Three: Unknown Species
=Mayumi's POV=
Naglalakad ako sa gilid ng kalye habang hawak-hawak ang dalawang strap ng bag ko. Medyo madilim na rin dahil alas sais na.
Alam ko namang ayaw mag isa ni Mr. Principal kanina kaya niya ko pinaiwan pero bakit ako? That was weird!
Patawid na ko ng makita ko si Mr. Principal na sinusuri ang kotse niya. Tinignan niya ang gulong nito tapos hinampas ang harapan ng sasakyan niya. Ginulo niya pa ang buhok niya na parang naiinis.
Patalon-talon akong lumapit sakanya habang nakahawak parin sa dalawang strap ng bag ko. Napansin naman niya agad ako dahil sa ingay ng sapatos ko.
"Hi, Mr. Principal." -kumaway ako.
"Tsk. What are you doing here? Are you following me?" -nakatingin parin siya sa kotse niya.
"Yes."
Tinignan niya ko. Ngumiti naman ako at nag peace sign.
"Joke. Im on my way home. What happen?" -tanong ko sabay tingin sa sasakyan niya.
"Sira."
Tumango lang ako. Sumampa siya sa harapan ng sasakyan niya at humiga. Nakatitig lang siya sa langit. Inunan niya ang dalawang braso niya.
"Bakit dito ka dumaan? San ka ba naka tira?" -tanong ko sakanya.
Nanatili lang akong naka tayo sa gilid ng kotse niya habang tinitignan siya.
"Diyan lang."
Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya. Bihira lang kasi ang dumadaan sa lugar na to. Longcut kasi dito at sa kabilang kanto pa ang shortcut.
Dapat sa mga oras na to tumatawag na siya sa ng hahatak ng kotse niya.
"Dapat tumawag ka na ng aayos ng kotse mo o kaya nanaman hahatak."
Nakita ko namang gumalaw ang mata niya patingin sa direksyon ko.
"My phone is lowbat."
Nagkibit balikat na lang ako. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong load. Wala ring tindahan dito at puro matataas na bahay lang.
Nakakita ako ng papalapit na kotse at kinaway-kawayan ko ito. Napasimangot nalang ako ng nilagpasan lang ako nito.
"Hindi ka nila papansinin."
Bumalik naman ako malapit sakanya.
"Bakit?" -kunot noong tanong ko.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga pero nanatili paring naka upo.
"Maraming nangyayareng hold up-an dito at patayan. Malay ba nilang holdaper ka kaya hindi ka nila pinansin."
"Muka ba kong holdaper?"
Nagkibit balikat lang siya. Yun din ang isa pang dahilan kung bakit bihira lang ang mga taong nadaan dito. Ito naman ang shortcut ko pauwi sa bahay tapos sa kabilang kanto naman ang longcut ko. Baliktad eh!
"Nak--"
Napahawak ako sa sintido ko ng sumakit ito. Naramdamang kong humangin ng malakas. Naririnig ko ang malalaking yabag na papalapit.
Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko at dahan-dahang inaalog. Nanghina ang tuhod ko kaya bigla akong napaluhod.
"What's happening to you?"

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?