Chapter Thirty Three: Andy
=Kate's POV=
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Hindi ako nahirapang mag adjust dahil dim naman ang ilaw. Nakatali ang kamay at paa ko sa monoblock. Sinubukan kong ipitik ang daliri ko. Tsk! Hindi kaya. Kung bakit ba naman kasi pati daliri kasama sa pag buhol ng tali. Errr!
"Ugh."
Napalingon ako sa gilid ko ng may marinig akong dumaing.
"Marianne?"
Inangat niya ang ulo niya. Nakatali rin ang kamay at paa niya. Nakatakip ang bibig niya kaya puro daing lang ang naririnig ko sakanya ng makita niya ko. Nag pupumilit pa siyang lumapit sakin habang tinatalon-talon ang kinauupuan niya.
"Sorry." Kung nasigawan ko sana siya bago pa siya makapasok sa bahay eh di sana wala siya dito. Hindi siya nadamay.
"Psst!"
Sabay na lumikot ang ulo namin ni Marianne para hanapin kung sino yung sumisitsit. Pinaliit ko ang mata ko para makita kung sino yung taong nandun sa medyo madilim na parte na kinalalagyan namin ngayon.
"S-sabino?"
Ngumiti siya. "Hello."
Napairap ako. Hindi man lang mag seryoso nakikita naman niyang nakatali kami dito.
"Gumawa ka nga ng paraan para makaalis tayo dito. Nasan ba tayo?"
Luminga-linga siya. "Hindi ko alam eh. Ang naalala ko lang pag labas ko ng bahay ni Yumi may nagtutok sakin ng baril tapos pinukpok ako nun kaya nawalan ako ng malay."
Napalingon kaming tatlo sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok ang isang babae na may itim na lipstick at mataas na takong ng sandals. May pinapaikot siyang kutsilyo sa kamay niya.
"I-ikaw? A-anong ginagawa mo dito? M-matagal ka ng—"
"Patay?!" Pag papatuloy niya sa sasabihin ko. "Ako ba talaga yung tinutukoy mong patay? Well, nice to meet you again, Katelyn Salazar na ngayon ay kilala bilang Kate State. Hindi mo ba ko kakamustahin? Ang tagal nating hindi nagkita."

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?