Chapter Thirteen: Panty
=Mayumi's POV=
Inaayos ko ang hihigaan ni Mr. Principal, nagdesisyon kasi siya na dito nalang siya matutulog. Nandito kami sa kwarto ko at nilalatag yung kumot sa sahig. Ayaw daw kasi niya kong katabi eh. Ayaw niya naman dun sa bakanteng kwarto kasi baka kung sino daw ang umatake sakanya kung mag iisa lang siya.
"Tapos na."
Sinarado niya yung librong binabasa niya. Naka upo kasi siya sa kama ko habang naka cross legs pa.
"Sigurado ka bang dito ka matutulog? Malamig yung tiles."
Inirapan niya ko.
"Paki mo?"
Napalunok naman ako sa sagot niya. Sungit talaga. Gumapang naman siya sa kumot tsaka tumihaya at inunan ang braso niya.
"Binigyan kita ng unan tapos hindi mo naman pala gagamitin." -naka pout na sabi ko.
"Tsk! Wag ka ngang tumayo diyan naaalibadbaran ako sayo. Matulog ka na."
"Hmp!"
Pumunta na ko sa higaan ko at tumihaya din. Nakatitig lang ako sa kisame.
"Hoy! Gising ka pa ba?"
Tumagilid naman ako at sinilip siya. Naka tingin rin siya sakin.
"Diba sa kabaong natutulog ang mga bampira?"
Kabaong agad?
"Hindi yun kabaong noh. Tsaka yung mga bampira lang na mayayaman."
Kumunot ang noo niya.
"Hindi ka pa ba nito mayaman? Ang laki-laki nga nitong bahay niyo."
"Aish. Basta. Mag research ka nalang tsaka gabi na ang ingay-ingay mo."
Hahampasin niya sana ako kaya lang umusog ako. Nahampas niya tuloy yung cushion. Bleh!
Umayos ako ng higa ko at tumititig ulit sa kisame. Nararamdaman kong sinisipa niya yung hinihigaan ko pero di ko siya pinansin. Ang likot niya!
"San ka kumukuha ng perang pang gastos? Wala ka namang trabaho." -rinig kong sabi niya.
"Sa tagal kong nabubuhay marami na kong naipong pera."
Hindi ko na siya narinig na nag salita kaya sinilip ko na siya. Naka dilat naman siya, nakakatitig sa kisame.
"Hindi ka ba natatakot na baka malaman ng mga tao kung ano ka talaga?"
Nakatingin parin siya sa kisame habang nagsasalita. Pinag isipan ko naman ang isasagot sa tanong niya.
Natatakot kaya ako?
"Ang tagal mo namang sumagot. Oo o hindi lang eh. Tsk!"
Pinalo ko sakanya yung unan na nakuha ko sa tabi ko.
"Atat ka."
Umupo siya mula sa pagkakahiga kaya napa upo rin ako sa kama ko.
"Makikiligo ako. Hindi ako sanay ng hindi naliligo bago matulog."
Ahhh. Kaya pala hindi pa siya natutulog.
"Ano namang susuutin mo?"
Inirapan niya ko.
"Wala ka bang malaking t-shirt diyan?"
"Meron." -sagot ko sakanya.
Meron rin akong malalaking joggin pants na hindi kasya sakin kaya lang pambabae yun eh.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
مصاص دماءYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?