Chapter Seventeen: Vampire's Victim
=Mayumi's POV=
Dumating si Marian na nakasimangot habang may bitbit na tray na may lamang pagkain.
"Bakit nandito kayo?" Tukoy niya dun sa lima. Nagtinginan tuloy sakanya.
Sikat pala kasi yung limang to. Meron daw silang banda na hindi ko pa alam ang pangalan, kaya pala ganun na lang ang reaksyon ng mga estudyanteng babae pag dumarating sila.
Umupo si Marian sa tabi ni Eds. Inabot naman niya samin ni Kate ang pagkain namin. Naka tingin lang yung lima samin habang kumakain kami.
"Kumain rin kaya kayo. Naiilang kami sainyo." Magkasalubong ang kilay na sabi ni Kate.
"Katatapos lang kasi namin kumain." Sabi ni Sabino tapos tumingin sakin. "Penge ha?" Sabay kuha ng fries. Para siyang si Magic eh, laging gutom.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"
Napalingon lahat ng tao na nasa loob ng cafeteria sa labas, kasama kami. Nagtakbuhan palabas ang mga estudyante papunta sa pinanggalingan ng sigaw. Nagsitayo rin kami para puntahan kung ano yun. Nangunguna si Mr. Principal, halos tumakbo na nga siya eh.
Nakisiksik kami sa kumpulan ng mga estudyante. May nandidiri, natatakot, umiiyak at sumisigaw. Ilan lang yan sa reaksyon ng mga estudyanteng nakatingin sa kung saan.
"Excuse me." Nahahawi sa gitna ang mga estudyante para makadaan kami.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Napayakap naman si Marian kay Kate at pinipilit na hindi makita ang nakikita namin ngayon. Nanliliit naman ang mga ni Kate. Galit namang nakatingin si Mr. Principal dito.
"What the are you guys doing?! Ibaba niyo siya." Utos ni Mr. Principal. Agad namang nagsikilos ang mga estudyanteng lalaki.
Masamang tingin ang ipinukaw sakin ni Mr. Principal na pinagtaka ko. Blangko ang isip niya kaya hindi ko mabasa. Bumalik ang tingin ko sa estudyanteng babae na binababa na ngayon. Nakabitin siya sa mataas na puno, namumutla, wala ng dugo.
Naramdaman ko ang presensya ni Ms. Catelyn kaya nagpalinga-linga ako. Nakita ko siya malapit sa likod ng university, nakangisi. Umiling siya ng isang beses.
'Hindi ako ang may gawa niyan.' Sabi niya sa isip niya bago mabilis na naglaho. Wala man akong tiwala sakanya pero naniniwala ako na hindi siya ang may gawa nito.
Nang maibaba na ang bangkay nung babae nilapitan siya ni Mr. Principal at pinulsuhan.
"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! WAG KAYONG TUMANGANGA!" Sabay-sabay naglabasan ng cellphone ang mga estudyante. Ang iba sakanila tumawag ng pulis.
"Nag uumpisa na sila." Sabi ni Kate habang nakatingin sa babaeng wala ng buhay. Yakap-yakap parin niya si Marian.
May galos ang pulsuhan, may dalawang butas sa gilid ng leeg, namumutla at mulat ang mata. Hindi niya tanggap na mamamatay na siya.
Tinignan ko si Kate ng magbuntong hininga siya. "Micka Saltero, 18 years old. Working student dahil may cancer ang mama niya. Madalas siyang bugbugin ng tatay niya pag nalalasing ito. Kalahating gusto at kalahating ayaw niya na mamatay siya. Kalahating gusto dahil makakatakas na siya sa paghihirap sa tatay niya. Kalahating ayaw dahil ayaw niyang iwan ang nanay niya." Mahabang sabi niya habang nakatingin sa babaeng wala ng buhay. Napabuntong hininga rin ako. Napakaganda ng hinaharap niya kung humaba lang ang buhay niya.
Sino bang gagawa nito?
"Iniisip ko lang kung bakit nangyayari ang mga bagay na to. May mga naghahanap ba sayo?"
Hindi ko nilingon si Kate pero alam kong ako ang kausap niya. "Meron. Bakit mo natanong?" Tinignan ko siya, nakatingin rin siya sakin.
"Malay ba natin na ginagawa to ng mga humahanap sayo para lumabas ka na o mag pakita ka na sakanila. Iniisip siguro ng mga humahanap sayo na lalabas ka para makiusap sa kanila na tigilan na ang pambibiktima."
Siguro. Malay.
Naging busy ang mga tao. Dumating ang mga pulis at ambulansya. Pinatigil rin ni Mr. Principal ang klase at pinauwi ang mga estudyante. Pinaiwan lang nung mga pulis yung may relasyon dun sa biktima. Nag paiwan rin kami ni Kate at sinundo naman si Marian ng mommy niya. Naiwan rin dito ang kaibigan ni Mr. Principal na gaya ng iba, hindi rin makapaniwala.
Lumapit sakin si Mr. Principal.
"Mag uusap tayo mamaya." Malamig niyang sabi. Tinignan tuloy ako ng mga kaibigan niya. Para kasi siyang nagbabanta.
Bumulong sakin si Sabino. "Pagagalitan ka ba niya?" Nag kibit balikat lang ako. Bakit naman niya ko pagagalitan?
May lumapit saming babae na may bitbit na notebook at ballpen.
"Good afternoon. Im Detective Angel Yu." Nag shake hands sila ni Mr. Principal.
"Balita ko ngayon lang nangyare to sa school mo. Well, nung sinuri ko yung bangkay kanina hindi ko maipaliwanag kung ano yun. Simut na simut ang dugo niya. Halata namang hindi siya nag suicide." Paliwanag ni Detective.
"Na interview ko ang mga kaibigan ng biktima. Wala naman daw kaaway ang biktima dahil napaka bait nito. Meron ba kayong pinaghihinalaan?"
Tinignan ako ni Mr. Principal na nagpalingon rin sa lahat. Kinunutan niya ko ng noo at ibinalik ang tingin kay Detective.
"Nothing. I'll just contact you kapag nakahanap ako ng ebidensya."
Nag abot ng calling card si Detective kay Mr. Principal.
"Sige. Wag mong kalimutan na tawagan ako pag may nahanap ka ng ebidensya."
Tatalikod na sana si Detective pero nagsalita si Sandro. "Diba ikaw dapat ang naghahanap ng ebidensya?"
Ngumisi si Detective. "Oo. Pero hindi matatapos tong kaso kung ako lang ang mag isang aasikaso nito." Sagot ni Detective tsaka umalis.
Kasalukuyan ng ipinapasok sa van ng ambulansya yung babaeng biktima. Nakalaylay pa ang kamay niya at kitang-kita ang mga galos sa pulsuhan niya. May kagat din ng bampira.
'Ngayon, paano ko to ipapaliwanag sa mga magulang niya?' Tanong ni Mr. Principal sa isip niya.
Inis na napasuklay sa buhok si Mr. Principal gamit ang kamay niya. Tinignan nanaman niya ko ng masama bago talikuran. Muli namang lumapit si Detective samin.
"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi ito ang unang kaso na ganyan. Marami ring biktima ang ganyan ang naging kalagayan. Hanggang ngayon hindi ito maipaliwanag."
"M-marami pang gantong biktima?" Gulat na tanong ko. Tumango siya.
"Bakit parang gulat na gulat ka? May alam ka ba tungkol dito?"
Umiling-iling ko. "W-wala. N-nagulat lang talaga ako." Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, pabalik.
"Maganda ka. Pero bakit parang gusto ko na sumama ka sakin sa presinto?" Mahinang sabi niya.
Ngumiti ako. "Bakit parang iba yung dating sakin ng sinabi mo?" Tinap niya ang braso ko.
Ngumisi siya. "Keep that cool way."
Tumalikod siya.
"Nakakapagtaka presensya mo. Parang hindi ka tao." Sabi niya tsaka nagpatuloy sa pag alis.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirosYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?