Chapter 8: Banana

989 22 0
                                    

Chapter Eight: Banana

=Mayumi's POV=

Ngumiti nalang ako ng makitang tulog na ang lalaking kini-kwentuhan ko. Mas mabuti ng hindi niya narinig.

"Nabubura ang alaala ng isang tao pag namatay ito at muling magbalik sa mundo."

Inayos ko ang ulo niyang malalaglag na. Kinuha ko rin ang manipis na kumot na nasa sofa.

"Pero alaala lang ang magbabago, hindi ang pagkatao nito. Kung ano siya noon, ganun rin siya ngayon."

Nakangiti kong sabi.

"Pero umaasa ako sa tadhana. Sana hindi mo na maalala kung ano ka."

Tumingin ako sa hita ko ng may humawak dito. Nginitian ako ng isang cute na batang babae.

"Bakit niyo po kinakausap ang kuya kong natutulog?"

Lumuhod naman ako para makapantay siya.

"Kini-kwentuhan ko lang siya. Ikaw? Kaano-ano mo ba siya?"

Lumapit siya kay Rence at hinaplos-haplos ang buhok nito.

"Ako po ang bunso niyang kapatid."

Nakingiti naman akong tumango-tango sakanya.

"Ate, akyat po tayo sa taas may sakit po kasi ang ate ko eh. Ano po munang pangalan niyo at kaano-ano mo po ang kuya ko?"

Natawa naman ako sa dami ng tanong niya. She look like Magic. Matanong.

"Ako po si ate Yumi. Friend ako ng kuya mo."

Ngumiti naman.

"Buti naman po at friend ka niya."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ito. Umakyat kami ng hagdan at huminto sa tapat ng isang pink na pinto.

Bigla akong napatakip sa ilong ko. Nasa pinto palang ako naaamoy ko na. Tinulak lang nung bunsong kapatid ni Rence yung pinto at bumukas na to.

Uwaaaaa! People of the earth naaamoy ko na talaga eh. Binitbit ko yung bunsong kapatid ni Rence. Pinangharang ko ang amoy niya para hindi maamoy yung dugo na nanggagaling sa isang magandang dalaga na naka higa sa puti at malaking kama.

"Ate Cristy! This is ate Yumi. Friend daw po siya ni kuya. How are you na po ba?"

Inalis ni Cristy ang earphone niya at nginitian ang bunsong kapatid niya.

"Mia, how many times do I have to tell you? Knock before you come in."

"Im sorry. I forgot."

Inirapan siya ni Cristy.

"Yeah. You always forgot."

Sumenyas naman ang ate niya na lumapit ito sakanya kaya ibinaba ko ito. Oh my noes! Oh no!

"Uhmm, what's the problem? Mabaho po ba ang kwarto ko?"

Umiling-iling ako habang pisil-pisil ang ilong ko.

"Do I smell bad?"

Umiling-iling ulit ako. At dahil sa hindi ko na kaya... lumabas na ko ng kwarto niya at bumalik kay Mr. Principal na nasa sala.

Oh. Nasan na siya? Parang kanina lang ang himbing na ng tulog niya, kulang na nga lang mag hilik eh.

"Looking for me?" -sabi ng tinig na nanggagaling sa likod ko.

Humarap naman ako sakanya ng naka ngiti.

"Why are you eating banana?"

Kinunutan naman niya ko ng noo.

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon