Chapter 4: Magic

1.1K 30 3
                                    

Chapter Four: Magic

=Mayumi's POV=

Kinabukasan...

Minulat ko ang mata ko ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Ganto ako gisingin ni Magic sarap eh.

"Im going."

"Aykabayongkalbo!" -gulat na sabi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at sinimangutan si Mr. Principal.

Nakatayo siya sa gilid ng kama ko. Kanina pa ba siya diyan? Ginulat niya ko ah.

"Wag ka ngang mang gulat!"

Malamig na tingin lang ang binigay niya sakin. Iwinasiwas ko sa hangin ang kamay ko na parang pinapaalis na siya.

"Sige na. Alis na. Kumain ka ba?"

Hindi niya ko pinansin at nagtuloy tuloy sa pinto ng banyo.

"Anong gagawin mo diyan? Sa bahay ka na niyo maligo."

Sinamaan niya ko ng tingin ng marealize niya ang ibig kong sabihin. May nakalagay na ngang CR sa harap ng pinto hindi pa niya napansin. Halatang lutang eh.

Lumabas siya sa tunay na pinto palabas ng kwarto ko. Malakas niya ibinagsak ang pinto pasara. Sungit!

"Yumi! Kakain na!" -dinig kong sigaw ni Magic galing sa ibaba.

Her name is Magic Sarap. Joke!

Her name is Magic Sherl. Napagtripan ata siya ng parents niya. Pinanganak kasi siyang maganda samantalang iba ang itsura ng parents niya. Ayun! Tinawag siyang Magic.

Buti nga hindi Miracle eh. Mas malala pa ata yun.

Inalis ko ang kumot na naka talukbong sa katawan ko tsaka ako bumababa sa kusina. Mamaya na sepilyo nagugutom na ko.

"Morning." -masayang sabi niya.

"Same to you."

Tinignan ko ang naka hain sa mesa. Nag pout ako tapos umupo. She cook food everyday, clean the house, wash the dishes and clothes. Pag sabado at linggo lang ako.

She choose to stay home para narin sa kaligtasan naming dalawa. Hindi na namin kakayanin pa pag kami nawala.

"Kalabasa at munggo nanaman? Hindi ka ba nag sasawa?" -naka ngusong sabi ko sakanya.

Mahina siyang natawa sabay upo. Mag katapat lang kami para naman kitang-kita namin ang isa't-isa.

"It's for your own good."

"Lagi naman eh." -nakasimangot na tugon ko sakanya.

Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng kalabasa. Nung isang araw ganto at kahapon ang ulam namin eh T__T

"Nga pala, sino yung kasama mo kagabi?"

Nginuya ko muna yung kinakain ko bago siya sagutin.

"Ah. Si Mr. Principal yun. Kumain ba siya bago umalis?"

Umiling siya.

"Pero uminom ng kape."

Tumango-tango ako.

"Yumi."

Napatingin naman ako sakanya sabay subo ng kutsara. Seryoso siya kaya nag taka ako. Lagi kasing naka ngiti to eh.

"Ang bango ng dugo niya."

Napitpit ko ng kutsara yung kamay niyang naka patong sa lamesa. Tumawa naman siya ng tumawa kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sumeryoso ulit siya.

"Muntik ko na nga siyang..."

Linapit niya ang mukha niya kaya lumapit rin ako ng konti habang nanlalaki ang mata.

"...halayin! WHAHAHAHA."

Inayos ko ang plato ko at hindi na siya pinansin. Ang sarap-sarap ng kain ko nag gaganyan siya.

"Magic, meron ako sayong ipapakilala."

Namilog naman ang mata niya habang ngumunguya pa.

"Shino?" -tanong niya.

"Basta. Mamaya pag pasok ko isasama ko siya pauwi dito."

Tumayo siya at nagtatatalon sa tuwa habang pumapalakpak.

"Dito na lang ba siya hindi na ba siya aalis? May makakasama na ko dito?"

Umiling-iling ako. Bigla naman siyang umupo ng naka simangot.

"Para lang may bago ka ng kaibigan. Para in case of boredam strike you, hindi lang ako ang matatawagan mo."

Ipapakilala ko sakanya si Mr. Oreo-- este si Sabino. Magkakasundo sila nun kasi parehas silang masayahin. Like me. Kaya lang pag nasobrahan talaga ako malala eh.

"Sabino pangalan? Aso ba yun?"

Nginitian ko siya.

"Tao yun. Tsaka, can you please stop reading my mind? Secret nga eh."

Tumango-tango siya at kumain ulit.

"Plinantsa ko na yung susuutin mo. Dalhan mo ko ng karne pag uwi mo ha?"

"Ang daya mo ah. Kumakain ka ba ng karne pag wala ako? Samatalang puro gulay ang pinapakain mo sakin."

"It's for your own good."

Tinawanan niya ko ng sumimangot ako. Tuloy-tuloy na subo ang ginawa ko ng mapansing ilang minuto nalang late na ako. Hindi nga ako naka pasok kahapon sa ibang subject tapos male-late pa ko ngayon. Naku!

"Easy." -natatawang sabi niya.

Magic is a slave vampire. Noon. Ang pamilya niya sinuway ang nag iisang batas ng mga bampira. Bata pa siya noon. Actually, her parents is not a vampire. They are monsters. Yun yung nakitang nilalang ni Mr. Principal kagabi. Yung sinasabi niyang 'unknown species'.

Tinatawag silang 'Approx' dahil sa balat nilang parang ahas.

Nakaligtas si Magic. Protecting herself. Namatay ang parents niya sa harap niya mismo. Tumatakbo siya ng tumakbo until she bumped on me.

Dun niya ko nakilala. Umiiyak siya nun at ganun din ako. Galit na galit siyang naka tingin sakin na parang sinisisi ako. Hinawakan siya ng mga taong hindi ko makita ang mukha.

3 years old palang kami nun. I was strong more enough to save her. And she is strong enough to save herself.

After a many years of hiding. They already found me. Kagabi.

*~*~*~*~*~*

Author: Uwaaa! Happy happy. Anong klaseng nilalang naman kaya si Yumi?

(Gawa-gawa ko lang po ang monster na Approx. Nakuha ko siya sa may lagayan ng plastic ng yelo. Hihihi ^_^)

Thanks for reading!

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon