Chapter 14: Led200

828 21 0
                                        

Chapter Fourteen: Led200

=Mayumi's POV=

Nag unat-unat ako bago idilat ang mata ko. Siguradong mangiyak-ngiyak tong si Magic pag nalamang wala na yung chandelier na binili namin. Napatingin naman ako sa gilid ng kama ko ng makitang nakatayo si Mr. Principal dito. Nakasuot ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jogging pants kong blue na may print na doraemon. Naka malaking t-shirt siya na dilaw. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng underwear pero wag na nating tanungin. Baka maging dragon nanaman yan eh.

"Good morning." Naka ngiti kong bati sakanya. Inirapan niya lang ako.

"There's nothing good in the morning. Im hungry!" Sabi niya sabay talikod at labas ng kwarto ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Nasalubong ko naman si Magic nakakalabas lang sa kwarto niya. Nag kukusot pa siya ng mata.

"Morning." Bati niya na sinundan ng hikab. Nauna naman siyang mag lakad sakin kaya nag kibit balikat nalang ako.

"WAAAAAAAAA!" Rinig kong sigaw ni Magic. Napapikit naman ako. Bago nagmamadaling pumunta kung nasaan siya.

Naabutan ko siyang naka tingala sa kisame at tinitignan ang nag lahong chandelier. "Pinasok ba tayo ng magnanakaw? Kelan? Paano? Bakit? Waaa! Nawawala rin ang isang sofa! Mahal rin yun." Naiiling-iling akong pumunta sa kusina at pinabayaan siyang mag salita mag isa. Nakita ko namang kumakain ng cookies si Mr. Principal na sinasawsaw niya sa kape.

Napatingin naman siya sakin. "Marunong bang mag luto ang bampira? Pag luto mo nga ko." Sabi niya tsaka ulit bumalik sa pagkain niya.

Sinimangutan ko siya. "Marunong lang kaming kumain." Sabay pakita ng pangil ko sakanya. Muntik naman siyang malaglag sa upuan niya dahil sa sobrang gulat.

Tumawa ako bago ulit itago ang pangil ko. "Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko sakanya habang niri-ready ang gagamitin kong kawali.

Ang tagal niya bago sumagot kaya nilingon ko na siya. "Why are you looking me like that? Im not going to eat you." Natatawa kong sabi sakanya.

"Ano ngang gusto mong kainin?"

Umiling-iling siya na parang sinasabing nawalan na siya ng gana. Pagkain na nga ang nasa isip niya nawalan pa siya ng gana. Binuksan ko ang ref at nag hanap ng makakain. Merong ham, bacon, hotdog, salami at itlog. Meron pa kaming stock na malaking manok. Nasan na kaya?

Kumuha ako ng bacon, limang itlog at walong hotdog. Ito naman ang karaniwang almusal na niluluto ni Magic eh. Nag toast rin ako ng ilang tinapay at prinito ang dapat prituhin ^__^ Maaga pa naman kaya hindi kailangan mag madali.

"Diba nasusunog ang bampira sa araw? Bakit hindi ka nasusunog?"

Tumingin ako kay Mr. Principal pagkatapos kong baliktarin yung itlog. "May iniinom kaming..." Napahinto ako sandali. Ano nga bang tawag dun?

"May iniinom kaming... gamot ata ang tawag dun." Humarap ulit ako sa kawali at inalis ang itlog na luto na. Nag crack ulit ako ng panibago tsaka muling hinarap si Mr. Principal.

"Anong tawag dun?"

"It's Led200. Bago mamatay si Dr. Aw iniwan niya sakin yung formula kaya nabubuhay kami na parang tao. 48 hours ang epekto nun." Binaliktad ko yung itlog.

"Diba sabi mo bampira si Ms. Catelyn? Meron rin ba siyang Led200?"

Nagkibitbalikat ako. "Siguro. Sa panahon ngayon maraming bampira na ang nabubuhay na parang tao para maka pangbiktima. Namatay si Dr. Aw dahil maraming nag aasam na makuha ang gamot na ginawa niya. Balak niya itong gamitin sa mabuti pero pagkatapos niyang ipaalam na naperfect na niya ang gamot... nagkagulo. Walang araw at gabi na hindi nanganib ang buhay niya." Paliwanag ko.

She's A Blood HaterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon