Eduard's POV.
Kahit pa maaga talaga akong nagising, mas inagahan ko pa ang paggising ko para handaan ng breakfast ang aking mahimbing na natutulog na girlfriend. 7 palang ay nagpasama na ako kay ate Manda mamalengke para bumili ng isang kilong ampalaya at okra.
“Nako, salamat ate Manda ha. Mas gaganda gising ng reyna ko” I said.
“Nako pogi, sana lang maamo mo yun pag nakita nya kung anong hinanda mo” Ate Manda said.
“Kailangan nya rin po kasi to para mas maging healthy sya” I said.
“Sabagay. Good luck sayo Pogi” she said.
Pagkabalik namin sa bahay, agad na inayos ni ate Manda yung kusina para sa aking special cooking show.
Habang nagluluto ako, dumaan sa kusina si tito. Naamoy yata ang niluluto ko.
“Bango ah! Anong meron?” he asked.
“Breakfast po tito. Sabayan nyo na po kami” anyaya ko.
“Sa office nalang. Mas need ni Savree yang lutong yan” natatawang wika ni tito.
“Sige po. Ingat po kayo!” I said.
After almost an hour, natapos ko rin ang niluto kong Pinakbet.
Umakyat na ako ng kwarto ni Love para icheck kung gising naba ang mahal ko.
“Love,” I said habang tumatabi ako sa kanya.
“Hmmm?” she just said na tulog pa.
“Breakfast is ready” I said habang nakaharap ako sa kanya.
“10 minutes, please give me 10 minutes. Susunod ako” she said pero tulog pa rin.
“Masamang pinaghihintay ang luto ko” pangungulit ko pa.
“Susunod po ako, Love. Promise” she said na ngayon ay dilat na.
I try to pinch her cheeks para mahimasmasan sya pero binigyan nya lang ako ng napaka-cute na face.
“Good morning, Love” she said.
“ILoveyou” I said sabay halik sa noo nya.
“Toothbrush muna ako” she said sabay bangon sa higaan.
“Sige po Love. Bad breath kapa eh” pagbibiro ko na bigla nyang sinimangutan.
“Joke lang!” I said habang tumakbo na sya papuntang cr.
Savree's POV
What a very good morning. Ikaw ba naman magising ng kasama ang mahal mo diba? Hays. What a fresh start of the day. First day namin together ni Ed ❤ First count.
After ko mag toothbrush at mag ayos ay bumaba na kami ni Love. Kanina pa raw naghihintay yung breakfast na niluto nya pa.
..
.
.
.
.
O — M — G.
I forgot! We have a deal 😱 Oh my Love.Pagkarating namin sa kusina, tinitigan ko na agad ng masama ang boyfriend kong nakaakbay pa sa akin na sobra ang ngiti.

YOU ARE READING
Discounted
Teenfikce"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...