After a week.
Savree's POV.
Maagang bumulabog ng umaga ko sina Maica at Lucas. Sakto naman na andito si Kuya. Yun nga lang, kulang pa rin, because Eduard's not present.
“Kamusta ka na pala Sabby?” tanong bigla sakin ni Maica.
“Anong klaseng tanong yan Maica? Okay lang ako no. Okay na okay”
“Nag-momove on pa yan!” hiyaw ni kuya habang papunta sa pwesto namin dito sa sala.
Moving on? For me, di naman kami nag break. I called it just a tab. Yas, that Tab in a computer keyboard. He wanted me to leave him, otherwise he will be the one to leave me. I'm his weakness and I got it. Pero miss ko na sya 😩 sobra.
“Tignan mo? Di makasagot oh” dugtong pa ni kuya na ikinalawak ng ngiti ko.
“Sav, okay ka lang ba talaga?” isa pa itong si Lucas eh.
“Guys? It seems like I should be the one to ask that to you. Are you okay?” I said na ikinatahimik naman nila.
“Pero miss ko na sya. Love ko yon eh” dugtong ko pa sa katahimikan nila.
“Wait lang ah. Akyat muna ako sa kwarto ko” I said nang tumayo na ako sa kinauupuan ko.
“Oy Sav, wag ka naman magbibigti. Alam naming bh ka, pero marami pa naman kaming nagmamahal sayo eh” pagdadrama-dramahan ni kuya na ikinacorssed arms ko at tinaasan ng isang kilay.
“Best Actor” singhal ko na ikinatawa nilang lahat.
HAY NAKO! THIS LIFE!
Umakyat lang naman ako ng kwarto, to check my phone on my bed na naiwan ko kanina pag baba ko. Tinext ko kasi si tita kung kamusta na yung lagay ni Eduard. But still, no reply 😶
I tried to call her. It's ringing but she's not answering. Baka nasa bag yung phone ni tita kaya tinawagan ko ng tinawagan. For the last time, nag ring ulit yung phone pero ni-call ended na nya. What's wrong?! 😥
Vince's POV.
“Maica!” tawag ko sa kanya habang busy syang nanonood sa tv namin.
“Oh?” sagot nya pero di manlang ako magawang sulyapan.
“Tumingin ka nga sakin Maica parang di tinatawag eh” I said.
“Ano ba?” tanong nya and finally tumingin din.
“Namiss mo ko no?” I said.
“Assumero!” singhal nya sakin.
“Weh? Di mo ko namiss? Imposible yata yon Maica. Si Sav nga namissed mo eh, edi ako rin namiss mo” pang aasar ko.
“Si Sav lang naman talaga namiss ko eh. Vince, umayos ka nga. Para kang bata eh” pagsusungit nya na.
“Pag namiss kita, dapat namiss mo rin ako” I said.
“Namiss mo ko?” biglang tanong nya.
“Oo”
“Neknek mo! Di mo ko mauuto Vince! Kilala na kita no. Lahat nalang yata ng pangtitrip na alam mo, gagawin mo eh” she said.

YOU ARE READING
Discounted
Fiksyen Remaja"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...