CHAPTER 61: OpenArms

5 1 0
                                        

Vince's POV.

Maaga akong gumising para maabutan ko si Mom.

“Really? Congrats anak! Ang aga ko namang magiging lola nyan. Oh basta, pag mamanhikan ka na sa magulang ni Maica, sabihan mo lang kami ng dad mo at sasamahan ka namin sa Cebu” Mom said nang maikwento ko na

“Thanks Mom. Actually, Maica is here po. Dito ko na sya pinatulog kagabi right after the check up. Pero balak ko po sana na samahan na sya sa apartment na tinutuluyan nya para naman po mabantayan ko sya don. Pero tuloy pa rin naman po ako sa work”

“It's so okay Vince. There's no problem with that. Oh, ngayong magiging daddy ka na, you have so many things about you that you might change. Yung mga paggimik-gimik mo, lessen those. But, I know you are a responsible man. Just be a good husband to Maica, and a good father to your child. Is it okay?” paalala ni mom

“Yes mom. Thanks” at saka ko niyakap si mom.




Nang magising na si Maica, sakto namang nagluluto ako sa kusina namin.

“Vince, ang bango. Ano niluluto mo?”

“Daeng na bangus. You should eat healthy foods.”

“Bili mo nga ako mamaya ng ponkan”

“Ponkan? Ah si-ge. Pabibilhin ko mamaya si ati Manda”

“Salamat!” sabay yakap nya sa likod ko

“Oh, baka matalsikan ka ng mantika. Maupo ka na muna dyan. Kawawa naman si baby pag nasaktan yan, baka biglang lumabas nang wala sa oras” natatawang sambit ko.

“Ito naman. Ikaw na nga tong niyayakap, choosy pa” pagtataray nya

“Later. You can hug me later. Magyakapan tayo the whole day na magkasama tayo” I said

“Tse!”

“Tse” panggagaya ko na mahina nyang ikinatawa.


“Kuya, alis na ako ha. Nasa labas na pala si Ed” sabi ng kapatid kong bigla nalang sumulpot rito sa kusina

“Ingat Sav” I said sabay beso sa kanya.

“Alagaan mo asawa mo kuya ha! Baka makarate ka nyan. 2 in 1 yan!” Savree said bago umalis.

“Oh, alagaan mo raw kami ng magiging anak naten” sabi naman ni Maica na ikinangiti ko.



After naming kumain, nagstay kami sa sala para manood ng movies. Nako, baka paglihihan pa nya si Spongebob. Hahaha!

“Vince?” humihikab nyang sambit

“Oh bakit Maica?”

“Ponkan” she said

“Nabili na si Ati. Maya maya andito na yun”


Habang nanonood kami, di ko namalayang nakatulog na pala sa balikat ko si Maica. Ang cute talaga nya pag tulog eh. Nakakagigil!

Agad ko syang binuhat at dinala sa kwarto ko. She needs enough rest. Para sa kanila ni baby.


*******

Savree's POV.

“It's a great pleasure to conduct a project like this. I named this, Open-Arms Project because this is very open tobthose people who will be needing a home to be lived. Thanks to Sister Alelie, Sister Yna, Sister Flor, Sister Lara, Father Mannuel, Father Peter, Father Will, Nurse Che, Nurse Klair, Doctor Ramirez, and Doctor Suarez, for accepting my request to do a duty here in our orphanage. To our dearest 103 children, sana madagdagan pa kayo na andito, na imbis na nasa kalye yung mga bata, dito nalang sa tahanang ito. And, in behalf of my team, patuloy po ang pagsend ng help namin sa orphanage na ito. I just want to say something to my team: Guys, we did it! Congrats!!!” I said and cut the ribbon.



DiscountedWhere stories live. Discover now