Savree's POV.
Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas. Wala si mama sa tabi ko kaya sa tingin ko ay nasa labas rin sya. Ipinony ko ng bun ang buhok ko kahit alam kong medyo magulo pa 'to at sinuot ko ang reading glass ko dahil napagtanto ko ring mataas na ang sikat ng araw at for sure nakakasilaw sa labas. Lumabas ako ng kwarto ko ng naka-pajamas lang at plain white v-necked-shirt.
“Dad? Ano pong meron?” tanong ko kay Daddy nang maabutan ko sya sa terrace.
“Naghahanap sina kapitana ng kandidato dito sa barangay natin para daw sa Mr. & Ms. Argao” sabi ni Daddy.
“Gusto mo mag-join Sav?” tanong sakin ni Kuya Vince na naghahalo ng kape nya.
“Nako kuya, ayoko ng mga ganyan” pagtatanggi ko.
“Sali tayo love!” pagbibiro ni love nang maki-join sya sa usapan namin.
“Team Manila tayo uy” sabi ko sabay hampas sa abs nya.
“Bat hubad baro ka? Magdamit ka nga. Kaaga aga eh” dagdag ko.
“Tanghali kana kaya nagising love. Mag-eeleven thirty na” natatawa nyang sagot.
“Pag ikaw inabutan ko ng blouse ko,” pagbabanta ko.
“Lakad na Kian. Magdamit kana. Alam mo naman tong MASUNGIT mong nobya,” sabi bigla ni dad habang nakaharap ako kay Eduard nang naka-crossed arms.
Maya maya pa ay pinatawag sakin ni Daddy si Mommy para paglutuin na ng lunch namin.
“Mom, tawag po kayo ni Dad” bigla kong singit.
“Anak mo 'yan Belle?” tanong bigla ng isang babaeng naka-barangay captain suit.
“Ay opo kapitana. Si Savree po. Yung bulilit na lagi kong kasama noon pag nakakasalubkng ko kayo sa daan” sagot ni mommy.
“Hello po. Good morning po” bati ko naman kasabay ng pagmamano ko.
“Bat di kaya ikaw nalang iha?” biglang sabi ni kapitana.
“Po?” pagtataka ko kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay ko.
“Oo nga anak. Why don't you try” sabi pa ni Mommy.
“Di ko gets mom” I said.
“May gaganapin kasing Mr. & Ms. Argao sa Sabado. Wala pang candidate sa barangay natin. Baka lang naman gusto mo neng” sabi ni kap.
“Nako, hindi ho ako mahilig sa mga ganon eh” pagtanggi ko.
“Sayang ang beauty mo neng. And, tapos ka raw ng Civil Engineering sabi ni mommy mo. Sige na iha sumali ka na, opportunity rin 'to” pagpupumilit sakin ni kap.
“Mom,” pagsasangguni ko kay mommy.
“Sige na anak, try mo na. Alam mo ba dati nung kapanahunan namin ng daddy mo? Dyan kami nagkakilala” sabi ni mommy.
“Sige po susubukan ko po” sapilitan kong sagot.
“Maghanda ka ng talent iha, yung matatalo mo agad sila” sabi ni kap sabay tawa.
Eduard's POV.
Tahimik na sumasandok kami ng kanin sa kaldero at ulam na pritong tilapia sa plato.
YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...