Savree's POV.Nakaka-two weeks na agad kami dito sa Cebu. Maraming nagyare. Halos lahat naman mamimiss ko pag bumalik na kaming Manila. Yung mga kapitbahay namin, yung mga kababata ko, yung mga boodle fight namin dito, and everything good na mangyayari pa.
Nasa kubo kaming lima. Ako, si Eduard, si Kuya Vince, si Maica, and si Lucas. Nagkayayaan kasing mag jamming eh. Buti nalang naisipan ni kuya na dalhin yung gitara nya.
“Anong kanta ba request nyo?” tanong sa amin ni Kuya.
“Your Love” suhestyon ni Ed na pinaningkitan ko ng mata. I know what he means.
“Sige. Pero dapat kakanta ka” sabi ni kuya kay love.
“Si Sav nalang kakanta para saken. Di ako marunong kumanta” pagtatanggi ni Ed.
“Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!” panunukso pa ni Lucas.
“Nakakahiya boses ko guys. Wag na” sabi ni Ed.
Natahimik nalang ako because ang cute cute pagmasdan ng love ko, na nahihiyang kumanta. Sakin lang talaga sya walang hiya.
“Ako na nga lang kakanta” singit bigla ni Lucas.
“Go Isko!” pagchcheer naman ni Maica.
Magsasalita palang si kuya, nagsimula na agad tumugtog sa gitara si Lucas kasabay ng pagkanta nya. Intro palang alam ko na eh. Grrrrrrr. Don't me Lucas!
You were my strength when I was weak,
You were my vouce when I couldn't speak,
You were my eyes when I couldn't see,
You saw the best there was in me,Hindi manlang magawang sumulyap ni Lucas. Tutok ito sa pagtingin nya sa gitara nya.
Hanggang sa sinabayan na sya ni Maica at ni kuyang kumanta.
Lifted me up when I couldn't reach,
And gave me faith so I believed,
I'm everything I am because you loved me.“Galing pala kumanta nitong si Isko eh. Nice bro!” compliment sa kanya ni Kuya.
“Ano pa ba next?” tanong ni kuya.
“Maica, ikaw ano gusto mo?” tanomg bigla ni kuya na agad naming inasar.
“Yieeeee, Maaaaica, ano daw gusto moooo” pang aasar namin.
YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...