CHAPTER 27: Preparation

6 1 0
                                    


The next night, nang makapagpa-book na si Mommy ng flight going to Cebu, nag empake na agad kami ng gamit that is good for 1 month. See? How long is that?! Ang init init na nga, babalik pa kami don. Hayys. I will surely miss my room, my aircon, my bed.

"Sav? Is everything okay?" Mom asked.


"Ah, yes mom. Naayos ko na po yung dadalhin ko bukas" I answered


"Si Eduard i-remind mo ha. Before 5am dapat ready na sya bukas. Dadaanan kamo natin sya sa kanila," Mom said.


"Ah, mom"


"Yes anak?"


"Namimiss nyo po talaga ang Cebu no?" I asked.


"Oo naman. Dun kami nagkakilala ng daddy mo eh. Dun din hometown namin. Kaya lang naman tayo napalipat ng Manila is because of work" Mom answered.


"Bat ikaw? Di mo ba namimiss sa Cebu?" Mom asked in return.


"Di naman po sa hindi, pero nasanay na po kasi ako dito. Kung pwede nga lang po na di sumama, di talaga ako sasama eh" I answered.


"Anak, kahit pa anong taas ng nalipad namin ng daddy mo, balewala lahat ng yon kung di kami marunong lumingon sa pinanggalingan namin, and you also dapat alam mo yon"


"Naiintindihan ko naman po mom. Mahirap lang talaga siguro mag adjust sa mga tao dun ngayon" I said.


"Ha? Alam mo nak, I think di naman sila nagbago eh. Si Maica natatandaan mo paba? Lalong lalo na si Isko? Mga kababata mo yun eh. Panigurado akong natatandaan ka pa nila"


"Pano po pag hindi na? Tsaka for sure marami na ring nagbago dun. It's been a decade, Mom" natatawa kong sinabi.



"Wag mo na isipin yon. Kasama naman natin si Eduard diba? Oh, di kana mabobore" panunukso bigla ni Mommy.


"Sus, isa ka pa mommy eh. Kala ko sina Daddy lang" pagtataray ko.


"Osya, babalik na ako sa kwarto namin ng dad mo. Good night"


"Goodnight mom"




Bago ako natulog, di ko maalis sa isipan ko ang Cebu. Dun kami nakatira dati. 8 years old yata ako nang lumipat na kami dito eh. Pero sa 8 years kong pananatili don, nakilala ko yung tunay kong mga kaibigan. I just don't know if they can still remember me now. For sure, di ko na sila mamumukaan ngayon kasi mga dalaga't binata na rin yung mga yon like me. Siguro, ang pinakahindi ko malilimutan sa kanila, si Isko. Si Isko na super crush ako noon. Naalala ko tuloy nung naglaro kaming magkakaibigan, ginaya namin yung Super Inggo. Ako pa nga kunwari si Maya tapos si Isko naman si Budong. Noon kasi, favorite naming palabas yon sa tv. Tapos simula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog, kami kami ang magkakasama sa tabing dagat. Lagi kaming laman ng dalampasigan noon. Tambay sa kubo, tapos kumakain kami lagi ng kwek kwek.



Speaking of kwek kwek, naalala ko tuloy si Lucas. I'm really thankful nang makilala ko sya. Para bang ang tagal na naming magkakilala. Kung di dahil sa kanya, baka tuluyan ko ng pinandirihan yung mga pagkaing nakasanayan ko noon. I know the purpose. Kamusta na kaya sya? Sana talaga bumalik pa yon dito sa Manila para naman makilala nya si Eduard. Pero di manlang sya nanood ng sayaw namin. Promises are meant to be broken nga talaga. Ayoko nga syang itext manlang kasi nagtatampo talaga ako. Sana di nalang sya nag promise no? Paasa din eh.


I checked the clock kasi mukhang di pa ako dinadalaw ng antok, and when I see it, OH NO. Magttwelve na? 4 hours nalang pala itutulog ko 😅 Bat kasi ang aga aga ng flight namin bukas eh. Pwede naman ipa-resched ni mom haaaaays di nya talaga namimiss ang Cebu eh.


DiscountedWhere stories live. Discover now