Eduard's POV.
Nagising ako na si Savree ang nakita ko sa kitchen namin. Bat sya andito? Di naman nya day-off ah.
“Happy birthday Eduard!” she shouted nang mapansin nya na yata ako na pumasok ng kusina.
“Ah thankyou love. Nag abala ka pa”
“Oh, mag wish ka muna before you blow the candle” she said na daladala pa ang Goldilocks na cake.
“May iwiwish pa ba ako? Eh, andito ka na sa buhay ko. Tapos ikakasal na tayo. Ang maiwiwish ko nalang is happiness with you. Na makabuo tayo ng isang malaking pamilya” I said
“Talagang big family ang gusto mo ha? Hmm” she said and we laughed.
“Bat tanghali ka na yatang nagising ngayon?” she asked
“You know, day off. Pero ikaw, di mo naman day off ah. Bat andito ka?”
“Nag leave ako. Kasi nga po, love kita. Syempre gusto ko, kasama mo ako sa buong araw na ise-celebrate mo ang birthday mo. Di naman ako makapapayag na ibang human creatures ang makasama mo the whole day” she said habang nakayakap sakin
“Talaga? Nag leave ka para lang sa birthday ko?”
“Ang kulit? Pauulit ulit?” she said
“How sweet naman my love” I said and gave her a forehead kiss.
“By the way love, alam na nina Mama yung about satin. Naabutan ko kasi silang gising pareho kagabi nung umuwi ako. Di ko napigilan yung sarili ko kaya nabanggit ko bigla” I said.
“Oh? Anong reaction nila?”
“Tuwang tuwa love. Lalo na si Mama. And, take note of this, they also want to have more apo coming from us. Pano ba yan, 1 out of 100 ka. 1% lang yang choice mo na small family” I said habang yakap yakap sya
“Talaga? Eh, pano yon? Baka di ko kayanin ang marami, love”
“Pag ba di kita nabigyan ng maraming anak, maghahanap ka na ng iba?” she added.
“Of course not. Syempre, iisipin ko pa rin yung kapakanan mo and ng magiging family natin by the nearest future. Ikaw ang boss ko, mahal” I said
“Thank you” she said habang sweet kaming nakatingin sa isa't isa.
“I love you so much my one and only Savree Agatha Roosevelt” I said and saktong humarap ako sa kanya.
“And I love you more my soon to be husband, Eduard Kian Simons” she answered.
That moment, I kissed her on lips. Ang saya, kasi nagrespond din sya sa paghalik ko.
What is this? Love in the kitchen? Hahahaha!
Ang tagal na sana naming naghahalikan nang may umextra bigla.
“Ehem” pagtikhim bigla ni Meisi kaya napahinto kami ni Sav bigla.
“Oh, hi” bati ni Sav kay Meisi.
“Kaaga aga. Nambulabog para lang lumandi” biglang sambit ni Meisi habang kumukuha ng gatas sa ref.
“Ako na ang bahala” pigil ko kay Sav nang makita ko ang pagtitimpi nya kay Meisi. Aba, palaban ang love ko. Go love! Hahaha
“Meisi.” tawag ko bigla sa kanya
“Yes?”
“Magpakaayos ka” I said
“Why Eduard? Did I disturbed your kissing scene? Oh I am sorry. Sorry, tao lang” she said.

YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...