Savree's POV.
Andito kami ngayon ni Lucas sa hospital para bisitahin si Love. Miss ko na kasi sya eh. At kahit pa anong pagtatabuyan ang gawin nya, di nya parin maaalis yung pagmamahal ko sa kanya. And I know, ginawa lang yon for my own sake.
“Where's Mr. Eduard Simons?” tanong ko sa isang nurse na nakita kong lumabas ng dating pinag-confine ni Ed.
“Discharged na po Ma'am. Last two days pa po. Excuse me” she said sabay alis.
“Di ka sinabihan?” tanong sakin bigla ni Lucas.
“Pupunta pa ba ako rito kung alam ko?” seryosong pamimilosopo ko.
Agad kaming bumalik ng kotse at ako na nagprisintang mag-drive. Baka nasa office na 'yon.
“San tayo pupunta ngayon?” tanong ni Lucas habang seryoso akong nagmamaneho.
“To his office. Baka pumasok na yon”
“Within just 2 days na pagkaka-discharged? Imposibleng pumasok na 'yon. Baka nagtake ng rest sa bahay nila” he said.
“No. Kilala ko yon. Kahit pa may sakit yon, nagagawa nya pa ring pumasok sa work. He's a workaholic person” nakangiting sambit ko.
“Mahal mo talaga 'no?” biglang sabi nya na ikinangisi ko.
“Anong klaseng tanong yan? Syempre naman. Boyfriend ko eh” I said.
Nang makarating na kami ng company. Si Lucas ang naiwan sa loob ng kotse at ako ang pumasok sa loob para hanapin si Ed.
“Arianne” bati ko.
“Oh Sav? Bat andito ka?” bungad nyang tanong sakin.
“Ah, andito ba si Eduard?”
“Na-discharged naba sya? Sorry Sav, wala pa sya dito eh. Tsaka di sya papapasukin ng manager, kakagaling lang ng hospital eh. But it's good to know na nakarecover na sya” sagot nya.
“Sabagay. Ah, sige. Mauna nako”
“Tuloy na tuloy naba ang night date nyo?” tanong bigla ni Kent.
“Sana” nakangiting sambit ko.
Pagkabalik ko sa kotse, nakatulog na pala ang chaperon ko.
“Oh? Ano? Nagkita ba kayo?” biglang nagising nang paandarin ko na ang kotse.
“Alam mo, tama ka Lucas. Baka nga nasa kanila yon” I said.
“So pupunta ba tayo sa kanila ngayon?”
“Yup. Don't worry, you can take a sleep” I said.
Nang makarating na kami sa tapat ng gate nila Ed, bumaba ako para mag-doorbell. Pero mukhang wala yatang tao. Pinindot ko muli ang doorbell at sa wakas, andito yung yaya nila.
“Si Sir Kian po ba?” bungad nya sakin bago nya buksan ang gate.
“Yes po. Andyan ba sya?”
“Nako mam. Wala sila dito ngayon”
“Pero he's already discharged two days ago” I said.

YOU ARE READING
Discounted
Novela Juvenil"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...