CHAPTER 28: Welcome to Cebu

10 1 0
                                        


This is it, pansit. Pagkababa namin ng eroplano, nag out agad kami ng airport para maghanap ng masasakyan papunta sa Argao. Pero hindi ko pa rin ramdam ang pagbabalik ko sa Cebu. I don't know why.

Buti nalang at bago mag 7am ay nakahanap na rin kami ng masasakyan. Nagtaxi na kami papuntang baryo namin sa Argao para isang sakayan nalang. Medyo malayo pa sa airport yon and traffic na rin kaya inantok na ako. Isinabdig naman ni Eduard yung ulo ko sa balikat nya and yes, mas komportable na ako. Naramdaman ko ring hinawakan nya yung kamay ko habang nasa byahe kami. Napakasweet talaga nya. ❤

After almost 2 hours na byahe, narating na namin ang Argao. Kahit nakakapagod na, sigi pa rin ako sa pagbaba ng taxi and ganon din sina mommy. Nakamaleta na kami lahat kaya di masyadong sagabal sa byahe. Inayos ko yung DSLR ko para makapag capture agad ng moment dito sa Cebu. Pagkababa namin sa taxi, hiniram sakin ni Eduard nmyung camera ko at pinicturan kaming family. Photographer wanna be, love? Pagkabait naman ng mahal ko!

After ng picture taking, salubong na agad sa amin ang kakilala nila daddy. Namumukaan ko pa rin naman sila kahit papano.


"Tulungan na namin kayo sa bitbit nyo!" sabi nung isang manong na sumalubong samin.

"Mang Ambo! Belle po. Yung taga dito rin dati sa Argao. Asawa ko po, si Kris" pakilala ni Mommy.


"Ay oo! Naalala ko na! Tatlo na pala anak nyo. Aba mga binata at dalaga na pala ah"


"Hi kuya" pang aasar ko kay Eduard.


"Love naman eh" he said.



Hinatid na kami ng mga kakilala ni Mommy sa lugar namin dati. It's already 9:13 kaya medyo kainitan na. Pero di naman masyadong nakakairita yung init dito kasi may dagat. Yung mga kubo, tandang tanda ko pa. Asan na kaya sila? Ay wait, di pa pala ako ready na makita uli sila. For sure naman na ang laki na ng pagbabago rito. It's been 10 years.

After naming ilagay yung mga gamit namin sa bahay namin dati, yes may bahay kami dito. Dati kasi, dito kami nakatira. It's the hometown of my mom and dad. Kaya lang naman kami masa Manila is because of their work and also, yung pag aaral namin ni Kuya. Naupo muna kami sa terrace namin para magpahinga saglit, infairness, fresh air pa rin pala dito. After few minutes, pumunta na sa amin si Aling Mayra, yung kakilala ni Mommy. Infairness kay mommy ha, tibay ng memory!


"Mars! Kamusta? Bongga na buhay nyo ha. Buti naman at naisipan nyo pang bumalik dito" sabi nya.



"Aba syempre no. Di ko pwedeng kalimutan ang Cebu" sagot naman ni Mommy.



Habang nag uusap sila ay pumasok muna kami ni Eduard sa loob. Si kuya naman at si daddy, inayos yung mga gamit namin.



"Love nakakapagod ang byahe" sabi ni Eduard.


"Sobra, love. Kaya nga ayaw ko sumama eh" I said.


"Pero sulit naman, kasi kasama kita" he said.



"And, 1 month kitang makakasama sa pagtulog at paggising ko" he added.



"Sus. Ayan kana naman Eduard ha. Nako, umayos ka wala tayo sa Manila" natatawa kong sinabi.


"By the way, before I forget, speechless ako dun sa lsm mo kaninang umaga" I said.


"Halata naman love. Di ka nag reply eh" he said.



"Eh pano naman ako magrereply don eh ang haba haba tapos ang ending sinabi mo lang na ang gwapo gwapo mo" paliwanag ko.



"Gwapo naman talaga ako eh. Sinabi ko talaga yun kasi baka may makita kang gwapo dito sa Cebu. Baka palitan mo agad ako" he said.


DiscountedWhere stories live. Discover now