Vince's POV.
Andito ako ngayon sa apartment na inuupahan ni Maica. Masama raw kasi pakiramdam nya so agad ko syang pinuntahan dito.
“Kamusta?” bungad ko sa kwarto nya
“Sinisipon ako maigi tapos pakiramdam ko lagnat na lagnat ako then inaantok ako kahit ang aga ko namang natulog kagabe. Di ko nga namalayang 6pm na eh” she said.
“Wait. Just stay here”
“San ka pupunta?” she asked.
“Sa kusina. Magluluto”
“Wag mo ko lalasunin Vince. Nako” banta nya na ikinatawa ko nang bahagya
“Gusto ko ng lugaw, pagluto mo nga ako Vince Andrue”
“Paktay, nag-request na nga ang reyna. Sige sige. Dadalhin ko nalang dito pag luto na”
“Baka naman sobrang init pa ha. Palamigin mo naman nang konti” pamimilosopo nya
“Oo na. Alangan namang pasuin kita diba? Ikaw talaga kung ano ano iniisip. Kaya sumasama yang pakiramdam mo eh”
“Sige na magluto ka na. Bilisan mo ah. Gutom na ako” she said
Napapa-hum ako habang nagluluto ng lugaw. Hindi ko master ang pagluluto pero kakayanin ko para kay Maica. Sana hindi maging epic hahaha. Sana. Sana talaga.
“Oh, ano bang nararamdaman mo Maica? Magpa-check-up ka na kaya?” nag aalalang tanong ko nang dali dali syang pumunta ng lababo at sumuka.
Halos inabot ng 30 minutes ang cooking show ko.
“After mo kumain, pupunta tayong clinic ha” I said habang hinihipan ko yung kutsara ng lugaw na isusubo ko kay Maica.
“Ang init naman”
“Baka naman kasi walang laman yang tiyan mo. Baka di ka nag lunch”
“Sakto lang naman kain ko eh. A cup of rice plus fried egg” she said
Pasakay na kami ng kotse ko nang sumakit na naman ang ulo nya.
“Bukas nalang kaya Vince? Masama pa talagang pakiramdam ko” pakiusap nya
“Maica, kailangan mong magpatingin sa doctor. Baka kung ano na yan. Nako mahirap na. Para maagapan na agad natin yan” I said
“Kinakabahan ako Dugong” sge said nang nasa kalagitnaan na ako ng pagda-drive.
“Bat naman kinakabahan ang baby ko? Tapang tapang tapos pagdating sa ganito naduduwag? Aba”
“Lakasan mo lang loob mo. Kaya nga mag-papacheck up para malaman kung ano yang nararamdaman mo para mabigyan ka agad ng medicine” I added
***
Maica's POV.
“Congratulations, Ma'am. You are 3 months pregnant” sambit ng doctor nang ma-check-up na ako.
I am 3 months pregnant.
I am 3 months pregnant.
I am 3 months pregnant.
Hala kang bata ka! Buntis ako?! BUNTIS AKO?!

YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...