CHAPTER 42: Hospital

4 1 0
                                    

Eduard's POV.



Tandang-tanda ko pa ang bawat pangyayari nung gabing 'yon. I was about to pick up Sav and surprise her a date. Also, because 'twas our 2nd Anniversary of togetherness.

Nagdadrive ako ng kotse ko, walang traffic kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho. I was so excited that time sa gagawin kong surprise. Suddenly, habang nagmamaneho ako, sinubukan kong abutin yung phone ko na nahulig sa lapag. Nung una naman kasi halos sasakyan ko lang naman ang andito sa kalsada. Unfortunately, hindi ko alam na may papaliko palang truck sa crossing na dadaanan ko. Binalot na ako ng kaba that time, sinubukan kong ipihit ang kotse ko pero masyadong naging mabilis ang pangyayari.



“Ma...” unti unti kong pagsasalita nang maimulat ko ang mata ko.


“Kian anak! Finally nagising ka na rin, how's your feeling?” sabi ni mama na may halong pag-aalala.



“Wait, I'll just call your doctor” sabi pa ni mama at dali daling lumabas ng kwarto.



Hinagod ko ang buhok ni Sav na nakita kong tulog na tulog na nagbabantay sakin.

“Sav...” pilit kong pagsasalita na nagpagulantang sa kanya.


“Love! Looove!!” humahagulgol nyang sambit sabay yakap nya sakin.


“Stop crying, love. I'll be fine” I said.


“Sobra kaming nag alala sayo love. Dapat kasi di mo na ginawa yun eh”



“Love kita eh. Baka kasi isipin mo na nakalimutan ko ang mahalagang araw sa buhay natin” nakangiti kong sambit.


“Pero love tignan mo naman nangyari sayo, love sa susunod ayoko na ng surprise. Please love. Please. Kinakabahan kaya ako” she said habang nakaupo sa tabi ko.


“Thankyou for staying here with me, love. Promise. I'll be fine” I said at saka hinawakan ang dalawang kamay nya.




Maya maya ay dumating na si Mommy kasama si Doc at ang tatlong nurses. They check my pulses and then sinilip yung bandage ng binti ko. Medyo napaaray ako nung unti unti nilang tinatanggal ang bandage. Still, nakahawak pa rin ako sa kamay ni Sav. Sya ang lakas ko. Lahat ng disgrasya haharapin ko para sa kanya.



“Ah, sino po bang pwedeng utusan na bumili po ng gamot ng pasyente sa Pharmacy po sa baba?” tanong ni Doc na agad namang nagprisinta si love.



Pagkalabas ni love ay ipinilig ko muna ang ulo ko at nakiramdam sa mahapdi kong sugat na panay dugo pa rin.


“We still need to do some tests regarding po sa case ng anak ninyo. Kailangan po nating ipa-scan yung ulo nya po to know if there's any fractures sa brain nya po. And ahm, xray din po. Medyo maselan lang po yung case nya because patuloy pa rin na nagbbleed yung natamo nyang sugat sa binti” rinig kong sinabi ni doc kay mama.


“Pero doc, magagamot pa naman po diba? Makakarecover naman din po ang anak ko diba?”


“Hoping po ma'am. Sa case naman ni Eduard, I think na matatag naman sya. Basta wag lang po tayong mawawalan ng pag-asa”


“Salamat po Doc. Please do everything for my son”


“Sige po.” rinig kong sagot ni doc bago ito lumabas ng kwarto.



“Kian? How are you anak?” biglang tanong sakin ni Mama


“Medyo mahapdi pa rin po yung sugat ko, Ma. Kumikirit kirot po eh” I said, honestly.


“Magpakatatag ka lang nak ha. Malalampasan mo rin 'to. Nga pala, papunta na ang dad mo. Nagpadala nako ng para sa lunch natin”


“Tita” bungad ni Sav nang buksan nito ang pinto at pumasok dito sa loob.


“Love...” tawag ko kay Sav na agad namang lumapit sakin.


“May masakit paba sayo? Yung binti mo kamusta? Ikaw, kamusta pakiramdam mo?” sunud sunod nyang tanong na may halo pa ring pag-aalala.


“Tawagin mo lang akong love, okay nako” pagbibiro ko naman.


“Love naman ehhh” she said.


“Oh yan okay nako”


“Basta. Magpagaling ka ha. Magpagaling ka para sa sarili mo. Naghihintay kami sa pagbalik ng dati mong energy” she said.


“Happy 2nd Anniversary, love. Sorry kung di natuloy yung surprise ko dapat sayo. Babawi ako sayo love” I said nang hawakan ko uli ang kamay nya.


“Love, no more bawi. Ang importante ngayon ay gumaling ka. Makarecover ka. Love, pleeeeeaaaase?” she said.


“Pano kung di na pala ako maka-recover?” I asked.


“Eduard Kian” biglang sambit nya sa buong pangalan ko.


“Okay sorry love. Opo, magpapagaling napo” biglang bawi ko sa sinabi ko sabay halik ko sa kamay nya.




Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin nina mama at Sav, dumating na si Dad.


“Oh thanks God, you're already recovered ” bungad sakin ni dad nang makita nya ako.


“Dad, di pa nga po okay eh” I said.


“Ha?”


“But don't you worry dad. I'll be fine. Just for you, mom, and Sav” I said.


“I brought something for everyone! It's my son's favorite! Adoboooo” masiglang sabi ni dad.


“Dad nakakahiya sa girlfriend ko” I said na ikinagulat ni Sav.


“Ha?” tanong sakin ni Sav.


“Nako alam mo ba Sav, pag adobo ang niluluto ko for dinner, ang binata naming si Kian, nag iisip bata pag dating sa adobo” pagkukwento bigla ni dad na ikinahagikhik ni Sav.


“Grabe dad, nakakahiya uy” sabi ko pa.







Savree's POV.

Ang gaan sa pakiramdam ang makita si love na unti unti nang bumabalik yung smile nya. Sana magpatuloy na yung recovery nya.

“Love? Pano kung di na pala ako gumaling? Iiwan mo naba ko?” bigla nyang natanong nung lumabas saglit sina tita.


“Love ano bang tanong yan. Of course gagaling ka. Tsaka, wag mag isip ng negativities, love. Sigi ka, baka tumagal ka dito sa hospital” I said.


“Love, nakauwi ka naba sa inyo?” he asked.


“Hindi pa. Gusto ko munang dumito para masubaybayan kita”


“Love, you need to have some rest. May mga clients ka pa na kailangan i-meet up diba? Love, kaya na namin dito. Andito naman si Mama. You can visit me here anytime you want. Pag free time mo. Love, ayoko namang maabala ka sa mga ginagawa mo dahil lang sa nangyari sakin. Pano tayo makakaipon nyan?” he said.


“Love, ano kaba. Okay lang ako. Mas importante ka sa trabaho ko. Mas kakayanin ko pang mawalan ng trabaho kesa mawala ka sa tabi ko. Love, alam mo naman na mahal kita eh. Love, magtutulungan tayo” I said.


“Yes love. Magtutulungan tayo. Hayaan mo na akong makarecover dito sa hospital, continue your work. I understand what you want to point out. Pero love, isipin mo tin ang sarili mo minsan. Dito, napupuyat ka, dito pagod ka. Love, alam mo namang ayokong napupuyat at napapagod ka eh. Love, mamaya umuwi ka. Rest yourself. Bumalik ka nalang bukas” he said.


“Love,” I said.


“Please love. Help me” he said.


“Okay”



••••••••••••

DiscountedWhere stories live. Discover now