Savree's POV.
“Mamaya napo ang pictorial for the Mr. and Ms. Argao. Please wear your hottest summer outfit. – Kapitana.” text ni kapitana kay mommy.
“Eh mom? Alangan naman pong mag swimsuit ako don diba?” I said.
“Kung gusto mo nak, tumingin ka na ngayon sa mall ng pang pictorial mo mamaya, pasama ka kay Kian” Mom said.
“Ahh! Alam ko na” I said.
“Ako na pong bahala sa isusuot ko mamaya mommy” I added.
“Sige anak. Tatawagan ko na yung magme-make up sayo para maayusan kana. Magtu-two na pala. Four ang pictorial nyo” Mom said.
“Ireready ko na dslr mo love” pagbibiro bigla ni Ed.
So naligo na ako at nagprepare. I wear a brown short na magmamatch sa red fitted off-shoulder kong crop top.
“Wow! Ang sexy naman ng dalaga ko!” puri agad ni mommy pagkalabas ko ng kwarto.
“Sabi naman sayo mommy kaya ko gawan ng paraan eh”
“Fashionista kaya tong anak natin” sabi naman ni dad.
“Tapos pag ikaw na yung pipicturan, awrahan mo yung photographer ha” sabi naman ni Kuya.
“Wow kuya!” I said, sarcastically.
“Sorry love” I said nang tumabi na ako sa kanya sa sofa.
“Okay lang love” sagot nya.
“Sure ka?”
“Pero love, baka naman may options ka pa jan na pwedeng i-partner sa damit mo. Yung palda mo na mahaba” mahina nyang sambit na sapat lang para ako lang ang makarinig.
“Akala ko ba okay lang?” natatawa kong bulong
“Okay lang naman sakin love na iyan ang isuot mo, sinasabi ko lang naman” he said sabay kurot ko braso nya.
“Buti di kayo nagsasawa sa isa't isa no?” biglang singit ni kuya na tila napansin ang kasweetan namin ni Ed.
“Eh kailan kaba kasi magpapakilala ng nobya mo samin ng dad mo?” sabat ni Mommy kay kuya.
“Oo ngaaaaa!” pang aasar ko din.
“Ang hirap kayang mamili. Sa dinami rami ba naman ng nagkakandarapa sakin, di nako makapili ng ige-girlfriend ko” pagmamayabang ni kuya.
“Woooow. Wag kana magsalita mom. Di magpapatalo yang si Kuya” I said.
After at most 40 minutes, dumating agad yung make up artists ko.
“Hello Madir. Sorry na-late ako ha. Traffic eh” he, este she said.
“Sya ba ang aayusan ko? Oh, buti bihis kana neng”
Ay hindi ate! Baka si kuya yung aayusan mo, o kaya si daddy o kaya si love. Sus! Kalerki! 😆
Eduard's POV.
Napakaswerte ko. Maswerte ako at sya si Sav. She is that Savree na nakilala ko. She is that Savree na nagpapasaya ng puso ko. Nung makita ko syang inaayusan nung sayaw namin, sabi ko sa sarili ko, Di nya na kailangan pa ng make up para gumanda. She's such a beautiful one even in her simplest smile. At ngayon naman na nakikita ko syang inaayusan, sabi ko sa sarili ko, Sya na yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. Sya na yung babaeng hinangad ko na magkaroon ako noon. And she's so beautiful the way she is.

YOU ARE READING
Discounted
Novela Juvenil"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...