CHAPTER 41: Surprise

3 1 0
                                    

Savree's POV.



Di ako mapakali dito sa sala. Nainom ko na't lahat ang gatas ko, wala pa rin si Ed. Isang tawag ang nagpagulantang sakin.


“Hello? Sino 'to?” I asked.



“Savree! Si Arianne 'to. Magkasama ba kayo ni Eduard ngayon?”



“Hindi eh. Actually kanina ko pa sya hinihintay. Ang alam ko kasi may dinner kami tonight. Baka natraffic sya. Bakit pala?” I said.



“Ah ganon ba? Nagtext naba sya sayo?” she asked.



“Di pa nga eh. Bakit ba? Ano bang meron?”



“Ah wala naman. Sige hintayin mo nalang sya jan” she said bago nya inend yung call.




Mas lalo akong kinakabahan ngayon. 11:30 na. Asan na kaya yon? Di manlang sumasagot sa tawag ko. Hindi na nakakatuwa to love. Hays!



Ilang saglit lang ay tumawag na si Ed. Hooo! Finally!



“Hello love! Asan ka naba? Kanina pa ko naghihintay dito sa bahay eh. Pinakakaba mo ko love” bungad ko.



“Hello po? Kayo po ba yung girlfriend ni Sir. Eduard Simons?” sagot ng isang babae.



“Asan si Eduard?” I asked.



“Ah, mam, nasa St. Lux Hospital po sya. Emergency po. I'm a registered nurse dito. Puntahan nyo nalang po sya please” banggit nya through phone call.




Di ako nakasagot sa sinabi ng nurse sakin. Bumagsak bigla ang phone ko sa sofa na ikinabagsak din ng luha ko.




Agad agad akong napasugod sa kwarto ni kuya at kinuha yung susi ng kotse nya.




Sa Hospital.


“Nurse, ER po. Eduard Simons po” taranta kong sabi.



“Mam that way po” sabi ng nasa front desk.




Napasilip ako sa pinto at nakita kong si Eduard nga ang nasa loob ng ER. Gusto kong pumasok sa loob pero may mga bantay dito sa pinto.


Lumaban ka Eduard. Laban lang love 😟


Habang naghihintay ako ng resulta dito sa labas ng ER, tinawag ko si Ati Manda na sya muna ang bahalang magsabi kina Mommy.


Tinawagan ko rin yung mom ni love para sabihin yung nangyari.




After few minutes, nabuksan na ang ER at lumabas na si Doc.


“Doc kamusta po lagay ng boyfriend ko?” tanong ko bigla.



“Maraming nawalang dugo sa katawan ng pasyente, medyo naapektuhan din yung ulo nya dahil sa pagkakabagok, and then yung joints nya sa binti may possibility na mag break pag di tumigil ang pagdudugo. But don't wory miss, we are doing everything para di mangyari yon” he said.



“Pero doc, makakarecover naman din po agad sya diba?”



“We're hoping. Excuse me” he said at umalis na.



Pumasok ako ng ER to check him. Panay tulo ng luha ko na parang ayaw nang tumigil ng pag iyak ko. Maya maya pa ay dumating na ang Mama ni Ed.




“Tita!” bungad ko sabay yakap nya sakin at sabay na umiyak.



“Tita I'm so sorry” I said.



DiscountedWhere stories live. Discover now