Savree's POV.
As a part of my project, I went to Abot Kaya Orphanage together with my team in Open Arms Project; Kent, Vicky, Sally, Paulo, Christian, Olive, and Eduard.
“Good afternoon kids!” bungad ko sa kanila.
“Good afternoon din po” sabay sabay nilang sambit.
“Ako po si ate Sav”
“Hello Ate Sav” they said.
“Sila naman yung mga kasama ko. This is ate Olive, ate Sally, ate Vicky, kuya Christian, kuya Kent, and kuya Eduard” pagpapakilala ko sa team ko.
“Okay so, magsitayo po tayong lahat. Warm up muna tayo para naman magising yung mga cells natin para mamaya sa activity natin” I said.
“And, sasample-an tayo ni ate Sav” biglang sambit ni Eduard na ikinamulat na naman ng mata ko.
“Kids, sorry di keri ng ate nyo Sav. Si Eduard. Kayang kaya yan” giit ko.
“Gusto nyo bang sumayaw kami ni ate Sav nyo?” tanong ni Ed sa mga bata na agad namang nagsi-agree.
“Go Ate Sav at Kuya Eduard!” sabi nilang lahat.
“Lagot ka sakin mamaya Ed” nakangiting bulong ko kay Ed.
“Music please!” sigaw ni Kent.
Agad na nag-play ang chicken dance na sinimulan namang sayawin ni Eduard. Grabe ang cute hahahahahaha
“Sayaw na Ate Sav!!” pagpupumilit ng mga bata
Okay. Dahil sa mga batang ito, napasayaw ako nang wala sa oras. Grabe I cannot! Kasalanan mo 'to Eduard Kian eh. Lagot ka talaga sakin mamaya. Haaaay! Nakakahiya.
“Galing mo pala sumayaw eh” he said nang sinabayan na kaming sumayaw ng mga bata.
“Pasalamat ka nasa harap tayo ng mga bata kung hindi nako” banta ko na ikinatawa nya pa.
“Why are you laughing? Nakakahiya kaya yung ginawa natin” I said.
“Para naman sa mga bata eh. Pero buti naman pinagbigyan mo sila, mahal” he said na ikinairita ko pa.
“Bagay po kayo ate Sav, kuya Eduard” sambit ng isang bata na sinundan ng panunukso ng lahat pati na ang mga kasama naming sina Kent. Hays.
“Okay sinong gusto ng story?” tanong ko sa kanila.
“Ako po!!!” sabay sabay nilang sambit.
“Yon! May dala kaming big story book para sa inyong lahat. Dapat, makinig kayo para pag nagtanong mamaya, may makuha kayong prize. Okay ba yon?” I said
“At dahil dyan, si Kuya Eduard at si Kuya Christian ang maghahatid sa inyo ng kwento. Kami naman nina Kuya Kent, Ate Olive, Ate Vicky, kuya Paulo, and Ate Sally naman ang maghahanda para sa break time natin mamaya. Okay ba tayo kids?” I added.
“Yehey!!!”
“But make sure, behave lang kayo ha. Makinig nang mabuti kina kuya Ed and Christian, okay? Ayaw namin ng makulit. Maaasahan ko ba kayo?”
![](https://img.wattpad.com/cover/101030952-288-k318531.jpg)
YOU ARE READING
Discounted
Novela Juvenil"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...