Eduard's POV.
Ang ganda talaga ng mahal ko.
Pinicturan ko sya nang makita kong bumubuo sya ng castle mula sa buhangin dito sa beach at saka sya nilapitan.
“Castle ba natin 'yan love? Ang ganda naman” bungad ko sa kanya.
“Nagulat naman ako sayo. Ah, oo. Pero di ko pa to tapos eh” she said.
“Pero mas masaya mag sun bathing dito love” I said sabay higa sa tabi nya.
“Kainitang tapat love” saway nya.
“Ang sarap kaya sa pakiramdam. Lika dali” I said.
“Tapusin ko lang 'to”
Maya maya pa ay isinuot nya yung sun glasses nya at saka tumabi sakin.
“Pag nagkaanak na tayo, every vacation ilalabas ko kayo sa mga beaches” bigla kong sabi.
“Tapos gusto ko love mag out of town tayo” she said.
“Sige love hanggang sa malibot natin buong Pilipinas tapos after natin malibot lahat, saka natin iisa-isahin bawat bansa kasama yung mga bulilits natin” I said and then we both laugh.
“Ako na bahala sa ipapatayo nating bahay” I said.
“Ops, tulungan tayo love. Remember that I'm an Architect already” she said.
“Ay oo nga pala no” I said sabay tawa.
“Gusto ko pag nagkaanak tayo, lalaki ang panganay natin” she said.
“Nagpaparinig ka ba love?” I asked.
“Hoy grabe hindi ah! I am just saying. Kasi gusto kong lumaki yung mga anak natin nang may kuya sila, to protect the two” she explained.
“Tapos ang ipapangalan natin sa kanya, Auard as in A-U-A-R-D” pagbibiro ko.
“Ang pangit naman pakinggan. Parang award eh. Gusto ko, Eithan. Combined Agatha and Kian” she said.
“Naks naman. Ang sweet ng love ko” I said sabay akbay sa kanya habang parehas kaming nakahiga sa buhanginan.
“Mamimiss ko 'to love pag balik nating Manila” she said.
“Ako din nga eh. Mamimiss ko kumain ng nakakamay, mamimiss ko maglaba at magluto kasama ka, mamimiss kitang ipag igib ng tubig sa drum nung nawalan ng tubig” I said habang nakatingin sa kanya.
“Pwede naman nating gawin yon sa Manila eh. Kaso pag kasal na tayo” she said.
“Yaan mo love pag pareho na tayong may work tsaka pag gawa na mansyon natin, papakasalan na kita” I said.
“Thankyou love” she said.
“Iloveyou” I said.
Maica's POV.
“Best!” bigla kong tawag kay Isko sa kalagitnaan ng swimming namin.
“Oh baket?”
“Sina Sab yon diba?” tanong ko kay Isko.
“Asan?”
“Ayun oh! Sila nga yon, yung nagbibilad sa araw!! Ang sweet nila best!” sabi ko.

YOU ARE READING
Discounted
Roman pour Adolescents"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...