“Bat ka naman nagsosorry?” tanong ko sa kanya.“Di ko alam” sagot nya.
“Ikaw ba talaga si Isko?” tanong nya bigla.
“Grabe ka naman Savree. Kung ayaw mo maniwala, edi wag”
“Shawarma ko?” tanong nya.
“Wala dito non. Shawarmang isda gusto mo? Igagawa kita” sagot ko.
“Si Maica baka nagtampo sakin” sabi nya.
“Eh pano, parang pinamukha mo sa kanya na tuluyan mo nang iniwan ang squad”
“Alangan naman kasing sumali pa ako sa inyo eh taga Manila nako”
“Pwede kaya yun. Friendship nga diba”
“Mahirap” giit nya.
“Tignan mo nga yung mommy mo tsaka yung mga nanay namin. Di nila nalilimutan ang isa't isa. Kasi tapat sa puso nila yung pagkakaibigan nila” sabi ko.
“Actually Lucas, I got ashamed of you, and Maica. Lalo na kanina nung nilapitan nya ako” sabi nya na parang naluluha.
“Nahiya ka pa samen? Kung kelan ang laki laki na natin”
“Kasi baka may galit kayo sakin. I still remember nung bago kami umalis dito, I left you with a promise. Nag-promise ako na every month, pipilitin ko sina mommy na bumalik dito para makalaro ko ulit kayo” pagkukwento nya na ngayon ay tumutulo na ang luha.
“But I broke it. Kahit nga taon taon na pagbisita dito di ko nagawa eh. So all that I've thought is that nagalit na kayo sakin” natatawa nyang dinagdag.
“So kaya kinalimutan mo na kami? Ganon ganon nalang ba lahat?” tanong ko.
“I tried to forget you, pero ayaw mawala ng memories. Pinipigilan ako. Siguro kaya mo ko pinipilit noon nung nasa Manila pa tayo, na kumain ng kwek kwek kasi alam mong favorite na favorite ko yon dati” sabi nya.
“Oo tama ka don Sab. Eh pano pati yung kinasanayan mong mga pagkain dati, kinalimutan mo na rin”
“Sorry na nga eh. Choosy pa” pagtataray nya na.
“Yan. Yang kasungitan na yan ang namiss ko. Yung masungit na Sabby na nakilala ko noon, tsaka yung masungit din na Savree na nakilala ko sa Manila” sabi ko na kinunotan nya lang ng noo.
“Palibhasa kami hindi mo namiss eh” sabi ko pa.
“Namiss ko rin naman kayo kahit papano. Yung paglalaro natin mula umaga hanggang gabi, yung habulan, taguan, tumbang preso, high jump, tsaka yung magkakasama tayong naliligo noon sa dagat. Paunahang makahanap ng piso na ihahagis ni Edgar. Namiss ko lahat yon” sabi nya.
“Oh, walang iyakan ha” pigil ko sa kanya
“Aba it's your fault. Pinapaiyak mo ko eh” sabi nya na ngayon ay umiiyak na.
“I missed a lot. I missed lots of happenings, and the people that have been so special to me. And kayo yon. Di ko akalain talaga na, ganito pa rin yung pagsalubong nyo sakin kanina. I was so shocked” dagdag nya pa na ngayon ay nakangiti na.
“Baliw ka na siguro Sab. Kanina okay ka, nagsungit ka, tapos bigla bigla kang umiyak, tas ngayon ngingiti ngiti ka. Ano bang nangyayari sayo Sab?” pagbibiro ko sa kanya na bigla nyang ikinatahimik.

YOU ARE READING
Discounted
Novela Juvenil"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...