CHAPTER 58: Baliw

4 1 0
                                    

Lucas' POV.





“Kayo na ulit?” tanong ko kay Sav nang ikwento nya sakin ang nangyari.

“Oo Lucas” she said.

“Sabi ko nga, comeback is real” sabi ko.

“Bat ganyan itsura mo?” she asked.

“Ha? Bakit? Pangit naba ako? Kapalit palit naba ako?” pagbibiro ko lang naman.

“Lizard Soberano” she said habang pumapalakpak.

“Pero seryoso, kayo na talaga ulit?”

“Oo. Di ko natiis eh. Mahal ko pa pala” she said.


“Edi hindi na pala ako driver mo araw araw?”

“Grabe ka may kotse naman na ako, a year ago pa” she said.

“Edi hindi na ako ang itetext mo pag uuwi ka galing sa work”

“Hindi na ako kasabay mo pag-lunch”

“Di na ako kasama mo pag may bibilhin ka sa mall”

“Di mo nako hahanap hanapin”

“Hindi na ako ang magiging Super Inggo mo pag malungkot ka, kasi di kana malulungkot pag kasama mo sya”



Sunud-sunod na sambit ko sa kanya.

“Grabe napakadrama naman ng best friend ko! Halika nga rito. Alam mo, manligaw kana rin kasi para di ka lonely palagi. Kagwapo gwapo ayaw manligaw” she said habang hawak hawak nya ang magkabilang pisngi ko.

“Baka one day, ikaw pa ang ligawan ng girls” natatawang dagdag nya.

“But thank you Lucas” she said sabay hug sakin

“Thanks for always being there for me. Ikaw yung naging sandalan ko nung mga panahong iniwan ako ni Eduard. Ikaw yung laging umaalalay sakin sa lahat ng oras. You're the best boy bestfriend in the world. I have no regrets that I have you as my best friend. I love you, Señor” she said na nakayakap pa rin sakin.




“Lucas? Sav? Kelan pa?” biglang singit ni Vince .

“Ha?” sabay na tanong namin ni Sav

“Bat di nyo agad sinabi sakin na may relasyon na pala kayong dalawa? Kayo ah, nagsosolo kayo sa bagay bagay na yan tsk. Sav, kuya mo ako, dapat nga ako pa unang makaalam eh” walang prenong sambit ni Vince na ikinatawa lang namin ni Savree.

“Ah ganon? Magtatawanan nalang tayo rito? Wala na ba kayong masabi kasi nahuli ko na kayo? Hah. Magkwento naman kayo oh” sabi pa ni Vince.

“Kuya, chill. Wala kang dapat ipagtaka” pagsisimula ni Sav


“Anong wala? Eh rinig na rinig kita Sav. Narinig ko ang pagsabi mo sa kanya ng I love you Señor. Akala mo di ko narinig ah” Vince said na lalo naming ikinatawa ni Savree.

“Kuya, as a best friend yon. Hello? Magkababata kami diba? And, kami na ulit ni Eduard” she said.

“Kanina lang” she added.

“Pano nangyari yon?”

“Diba sabi mo nga, wag kong sasarhan ang puso ko sa pagpapatawad? Ginawa ko na kuya. And, I realized na mahal ko pa rin pala sya, kuya” pagpapaliwanag ni Sav.

“Baka naman masaktan ka ulit”

“Part na ng pagmamahal abg masaktan, diba” Savree said.

DiscountedWhere stories live. Discover now