After a week.
Eduard's POV.
“Hi goodmorning love!” bungad sakin ni love nang magising na ako dito sa room ko ulit sa hospital.
“Ang aga mo yata ngayon love?” nakangiting tanong ko habang inaayos nya yung gamit nya sa sofa.
“Dito sya natulog kagabi, anak. Pinapauwi ko nga eh, sya naman ang may ayaw kaya hinayaan ko na” Mom said.
“Miss ko na po kasi si Love, tita eh” sambit naman ni Sav habang papunta naman sya sakin.
“Wala ka bang pasok today?” nakakunot-noo kong tanong habang umupo sya sa higaan ko.
“May meeting sana kami ngayon with the new client, since marami naman kami sa company, ni-set aside ko muna sa kanila 'yon. Tsaka, namiss ko kayang magpunta sayo. Namiss ko gwapong mukha ng boyfriend ko” she said sabay hawak nya sa magkabilang mukha ko.
“Sinet aside mo yon para lang bantayan ako rito?” I asked.
“Oo love, wala namang masama dun kasi girlfriend mo ko. Besides, responsibility ko na alagaan ka pag may sakit ka”
“Thank you love. Di kaba naiinis sakin?” I asked.
“Bat naman ako maiinis love?”
“Kasi, ako nga naiinis nako sa sarili ko eh. Ayaw pa kasing umayos ng binti ko eh. Nakakainis kaya love. Gustong gusto ko na kayang gumaling para naman makasama na uli kita, tsaka para matuloy ko na yung pag iipon ko para sa magiging mansyon natin” I said.
“Love, gagaling ka. Siguro, kailangan mo ng enough rest. Ba naman napakaeffort mo lagi. Tapos laging on the go ka pa. Napakasipag pa sa trabaho. Kaya Eduard, relax yourself. Free ka muna from your work. Tsaka andito naman ako oh. Pano na ako pag nawala ka?” she said.
“Nga pala tita, kamusta po yung result ng CT Scan nya?” biglang natanong ni Sav kay mama.
“Ah, wala pa yung result eh. Baka today daw malaman or within this week” sagot ni mama.
********
Lucas' POV.
“Maica?” bulalas ko nang bumungad sa pintuan ng condo ko si Maica.
“Yes it's me! Maica Rosales” sambit nya na agad ko namang pinatuloy.
“Yamanin kana best! Naks! Certified Public Accountant” sabi nya pa habang palinga palinga rito.
“Sinong kasama mo? Tsaka asan mga gamit mo?” tanong ko.
“Mukha ba akong may kasama ngayon? Nasa boarding house. 1 week na ako rito. Pa-sideline sideline sa coffee shop nung tiyahin ko” sagot nya.
“Bat di ka mag-apply na teacher? Diba matalino ka naman?” tanong ko.
“Wala pa akong lisensya eh”
“Nga pala, si Sabby? Puntahan naman natin sya oh” dagdag nya pa.
“Busy yon. Madaming ginagawa sa buhay. Tsaka sobrang asensado na sa buhay yon”
“Okay nga yon eh. Para pag bisita natin sa kanila, oh edi may meryenda. Solve na ang barkada” sagot nya.
“Hoy? Nakakahiya no. Tsaka, isa pa, nasa hospital si Eduard eh. Minsan andun sya, nagbabantay”

YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...