CHAPTER 45: Selfless

2 1 0
                                        


Savree's POV.





“Love, kamusta ka? Pupunta ako jan ngayon. See you! 😘”  text ko kay Love nang maaga kong natapos ang report ko for presentation tomorrow sa meeting ko with the new clients.






“Love wag na” reply nya na nagpakunot ng noo ko.





“Love? Maaga akong natapos ngayon eh. Bukas pa yung meeting ko” I said.





“Wag ka na makulit love” he said.





“Mahaaaaal, pupunta ako. Pupunta ako 😊” giit ko.





“Ano ba Savree! Pag sinabi kong, ayoko. Ayoko!” biglang reply nya.





“Love naman. Dadalawin lang naman kita eh. Miss na kita love 😟” I said.





“Just have rest. Wag mo nako isipin”





“Ikaw ang makulit love eh. Ikaw na nga aalagaan, ayaw mo pa 😥”





“Sav, please. Alam kong pagod kana. Kasi ako, pagod nako. Pagod na pagod nako”





“No” I replied.





“Di ako mapapagod sayo love. Mahal kita eh. Girlfriend mo ko diba? Andito ako lagi para sayo love. Wag mong balewalain yon please love 😣” dagdag ko pa.





“No. Sabihin mo man sakin o hindi. Ramdam ko. Ramdam na ramdam kong pagod kana kaiintindi sakin. Sav, ienjoy mo muna buhay mo nang wala ako. Kaya ko sarili ko” reply nya na lalong nagpagulo sakin.





“Love, hindi kita maintindihan eh. How can I enjoy my life kung wala ka? Love, diba magtutulungan tayo? Mabubuhay tayo para sa isat isa. Eduard, I love you 😢 Please don't get me wrong” reply ko.






“Di mo obligation na alagaan ako. Kaya ko ang sarili ko. Di ko kailangan ng tulog mo. So please, wag ka na munang haharap sakin. Wag ka na munang dadalaw sa hospital. Mas nasasaktan ako pag nakikita ko ang sakripisyo na ginagawa mo sakin para lang mabantayan at maalagaan ako. Hanggang dito nalang muna siguro tayo, mahal ko. Alagaan mo nalang sarili mo imbis na ako. Hayaan mo na ako. Mahal na mahal kita Savree Roosevelt.”





Di ko alam kung anong pumasok sa isip nya at bigla nya nalang akong tinext ng ganito. No. Bagot lang sya. Kailangan ako ng love ko. Hindi ko dapat sya iwanan. Love, mahal kita eh. Wag naman sanang ganito.







Agad agad akong nagpunta ng hospital para kausapin si Eduard. Si tita ang bumungad sakin sa labas ng kwarto nya.





“Tita, good afternoon po” bati ko sabay beso kay tita na unti unting lumuha sa pagkakayakap ko sa kanya.





“Hayaan mo nalang si Eduard. Alam kong mahal mo sya at naniniwala akong mahal ka rin nya” sambit ni tita na nagpahagulgol sakin nang tuluyan.





“No Tita. Kakausapin ko po si Ed. He needs me now. Ako po ang lakas nya eh” sabi ko pero pinipigilan pa rin ako ni Tita na pumasok sa loob.





“Tita naman eh! Gusto ko po syang makausap! Tita please,” pagpupumilit ko kaya pinayagan ako ni tita.







Matapang na binuksan ko ang pintuan at pumasok sa kwarto ni Eduard.





DiscountedWhere stories live. Discover now