Savree's POV.
“Oh kuya. Pasalubong mo. Ito naman kay Gelay!! And syempre, kina Ati and Manong naman itong dalawang printed tshirt” I said nang makauwi na ako sa bahay.
“Yung kina Mom nasan?”
“Ako na magbibigay sa kanila mamaya pag uwi galing opisina. Oh ito, ibigay mo kay Maica. Galing kamo sakin ha” I said.
“Ang laki naman nito? Eh mukhang sakin din babagsak 'to eh”
“Kuya naman, parang hindi buntis ang girlfriend” I said
“Oo nga pala no” natatawang sambit nya.
“Love, pasok ka muna. Dito ka na mag lunch” I told Ed.
“Kuya Eduard!!” bati sa kanya ni Gelay na tuwang tuwa.
“Hello Princess Gelay. How are you today?”
“Ha? Ano po yon?”
“Ah. Kamusta ka?”
“Ah yun lang po pala yon. Okay naman po ako. Namiss ko po si Ate Sav”
“Aw hindi ka namiss oh” panunukso ko bigla kay Ed
“Namiss ko naman din po si kuya Eduard. Mas namiss lang talaga kita ate”
“Nakoooo. Nga pala, Gelay. Next school year, ieenroll na kita sa private school. Ako nang bahalang makipag usap sa principal tungkol sa pag jump mo ng Grade 5” I said
“Naks naman! Ang bait” biglang singit ni Ed.
“Salamat po!”
“But, kailangan mag aral kang mabuti. And panigurado, may entrance exam dun sa papasukan mo. So dapat, good and smart girl ka. Okay ba yon?”
“Smart po?” she asked na agad ko namang tinanguan.
“Wala naman po akong cellphone eh”
Di ko alam kung maiinis ba ako dahil parang pinipilosopo yata ako ni Gelay or what eh. Hahahaha! Cute cute talaga ng batang ito!
“Gelay, ibig sabihin ni ate mo Sav sa smart ay active sa klase. Yung laging sumasagot sa mga tanong ng teachers. Yung laging nakikinig sa sinasabi ng teachers. Tsaka hindi pasaway. Yan, yan ang gusto ng ate Savree mo” paliwanag sa kanya ni Eduard
“Alam mo ba si Kuya mo Eduard, top 1 sya lagi dati. Sya laging nagtuturo sakin noon tuwing may exam kami” I added.
“At dun na nainlove sakin si ate mo Sav. Tapos parehas pa kaming mananayaw. Lalo kami naging close” Ed said
“Wow! Ang galing naman po. Bat di po kayo nag-teacher kuya Ed?”
“Pangarap ko kasi nung bata pa ako kagaya mo, na makapagpatayo ng mga bahay. Maraming maraming bahay. Lagi kasi kaming nakakakita ng mga batang kalye pag naglalakad kami ng mama ko dati. Kaya ayun. Nag aral ako ng mabuti para makamit ko yon”
“Ikaw Gelay, ano bang gusto mo paglaki mo?”
“Uhm? Hindi ko pa po alam eh. Dati po kasi, pangarap ko lang na magkaroon ng masaya at sama samang pamilya. Pero dahil kinupkop nyo na po ako, laking pasasalamat ko po. Lalo na at pag aaralin nyo pa po pala ako. Napakabait nyo po ate Savree”
![](https://img.wattpad.com/cover/101030952-288-k318531.jpg)
YOU ARE READING
Discounted
Genç Kurgu"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...