Lucas' POV.
“Nay?”
“Nay andito na si Kuya!!” sabi ni Lizel nang makarating na ako ng Cebu.
“Oh Isko, andito kana pala” sabi ni Nanay.
“Ako na ho magsasabit sa kapatid ko” sabi ko.
“Hay nako kahapon ka pa nya hinihintay. Akala nga nya di kana uuwi eh”
“Oo nga kuya. Pinakaba mo kami ni nanay”
“Gabi na kasi ako nakabyahe. Tinapos ko pa yung trabaho ko kina tita”
“Kuya, apat na bes kang aakyat mamaya sa stage. Ready naba ang sapatos mo?” sabi sa akin ni Lizel.
“Di na nga ako nakabili ng bago eh. Pero wag ka mag alala Lizel, matibay kaya 'to!”
“Kamusta na pala ang pag aaral mo don, Isko?” tanong ni Nanay.
“Nay, ah nga pala”
“Graduate na ho ako sa course ko” sabi ko sabay abot ng certificate.
“Wow Kuya! Edi Accountant kana?” tanong ni Lizel.
“Pag nakapasa ako sa board. May board exam pa kasi yon para maging CPA na talaga ako”
“Yakang yaka mo yon Kuya! Sayo kaya ko nagmana” sabi ng kapatid ko.
“Sana itinext mo si Lizel na nakagraduate kana pala para naman nakapaghanda ako rito ng paborito mong Sinigang na Baboy” sabi ni Nanay.
“Kaya ko nga ho di sinabi kasi alam kong mag aabala pa kayo” paliwanag ko.
“Kuya, diba sa Manila ka naman? Ano, nakita mo ba dun si ate Saby?” tanong bigla ni Lizel.
“Hah? Si Saby? Di eh. Malawak kaya ang Maynila. Alangan namang halughugin ko pa buong kamaynilaan para lang hanapin ko sya, di nya na nga ako matandaan eh” sagot ko.
“Ay, akala ko pa naman sya yung magiging girlfriend mo. Diba magkababata kayo non? Lagi pa kayong kumakain ng kwek kwek kina Aling Susan”
“Malay mo, bumalik pa yon dito” sabi ni Nanay.
“Nako Nay, mayaman na siguro yun si Saby” sabi ko.
“Pero anak, wag isasara ang puso ha. Kilala ko yon si Saby, kahit napakaterkang bata non, napakabait naman. Lagi ngang nagbibigay ng ulam satin yon noon eh, diba?” pagkkwento ni Nanay.
“Ayie, si Kuya. Namimiss si ate Saby” panunukso ni Lizel.
Namimiss ko na nga sya. Ang dating Saby na kilala ko ❤
After ng recognition ni Lizel, dito na muna ako mags-stay kina Nanay ng isang buwan, namissed ko ang Cebu! Namissed ko lahat ng taong nakasama ko rito. Sya kaya, babalik pa kaya sya sa pinagmulan nya?
“Isko? Ikaw naba yan?” tawag sa akin ng isa naming kababata noon na si Maica.
“Grabe naman si Maica, parang ang tagal ng 5 years ah” sagot ko.
“Namissed ka ng Cebu” sabi nya.
“Mas namissed ko kayo. Mukhang marami ng nagbago ah?” sabi ko.
“Medyo. Pero ganon pa rin naman ako no. Yow wassup wassup men this is Maica Rosales, 5'4 Cebu, Philippines!” sabi ni Maica.
“Palatawa kapa rin pala ha. Naku, di ka na yata pwedeng mag Binibing Pilipinas eh. May boyfriend ka na yata”
“Uy Isko aba naman. NBSB kaya to! Ikaw nga yata yung disqualified na sa Mr. World eh” sabi nya.
“Ano kaba, ayoko ngang sumali don eh. Alam mo yung gwapo ko, pang talipapa lang to. Sa mga isda lang ako nakalamang” natatawa kong sagot.
“Gwapo mo kaya. Mas gumwapo kapa nga ngayon eh. Mukhang yayamanin na ang best friend kong bungok dati” sabi nya.
“Sus. Gwapo daw” pagtatanggi ko pa.
“Suplado kana yata ngayon best”
“Hindi ah. Madami lang akong iniisip ngayon” sagot ko.
“Kamusta pala paghahanap mo kay Saby?” tanong nya.
“Masagana na sila eh. May mansyon na.”
“Nagkita na kayo?” tanong nya.
“Ha? Hindi no. Malay mo mayaman na yon” sagot ko.
“Di na nga bumalik yun dito eh. 10 years na kaya” sabi nya.
“Naniniwala akong babalik pa yun dito. Babalikan pa nya tayo” sabi ko.
“Uy Isko? Crush mo pa rin si Saby hanggang ngayon? Ay iba na yan best” tanong nya.
“Ha? Di na no. Pero masaya ako kung ano man narating nya” sagot ko.
“Bukas paba ang puso ni Isko?”
“Barado eh” sagot ko.
“Joke lang!” dagdag ko.
“I miss you best” biglang sabi sakin ni Maica sabay yakap.
“Aba namissed mo pala ako no?” natatawa kong sinabi.
“Syempre naman Isko. Namissed ko yung number one best ko na artistahin na ngayon” sabi nya.
“Talaga?”
“Patingin nga ko ng mukha ng Iskong kilala ko? Naks, gwapo oh! Marami sigurong nabingwit to sa Maynila” sabi nya.
“Sana mabuo tayong lima no? Ako, ikaw, si Edgar, si Kevin, tsaka si Saby” sabi nya pa.
“Malabo na yata bunso eh”
“Best naman. Wag ganun”
“Syempre biro lang. Mabubuo pa tayo. Gusto mo pa magpareunion ako eh. Ano ba?” sagot ko.
“Kaso parang imposible na no? Si Edgar nasa Amerika na kasama tatay nya, si Kevin naman lumipat na ng bahay sa Mactan. Si Saby, di natin alam kung nasan na” sabi nya.
“Drama mo best! Siguro hanggang ngayon di ka pa rin marunong lumangoy no?” tanong ko.
“Langoy palaka pa rin” sagot nya.
“Tara swimming! Namissed ko ang dagat!” pagyaya ko.
Hay. Nakakamiss naman talaga ang lugar na pinagmulan mo. Yung mga taong nakagisnan mo noon, yung mga bagay na nakasanayan mo, yung hangin na una mong nalanghap, tsaka yung paligid na hinahanap hanap ng mata mo. I missed Cebu! I miss her, too. Saby, balik kana oh.
•••••••••••••••
YOU ARE READING
Discounted
Teen Fiction"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...