Savree's POV
After 28 days of vacation here in Cebu, babalik na agad kaming Manila bukas. Hays. Ang bilis. Nakakabitin 😆
“Good morning!” gising sakin ni Eduard sa kwarto.
“Hmmm?”
“Love gising na. Sabay sabay daw tayong magbreakfast sabi ni tito” he said.
“Hmmmm”
“Last day na natin to sa Cebu” he said.
“Hmmm”
“Sav? Gising na. Di pinaghihintay ang breakfast” narinig kong sigaw ni daddy mula sa kitchen.
“Gusto mo yatang ikiss kita eh” sabi ni Ed.
“Sige na susunod nako” I said nang magising na ako sa sarili ko.
“Sure ka?”
“Opo love. Liligpitin ko lang 'tong higaan” I said.
“Sige. Bilisan mo ah. Kanina pa naghihintay sina tito”
Pagkalabas nya ng kwarto ay agad kong inayos na ang kama at ipinusod ang buhok ko.
“Good morning Mom. Dad” bati ko kina Mommy.
“Maupo kana. Kanina ka pa namin ginigising eh” dad said.
“This day would be our last stay here in Cebu, what do you want to do today? Gusto nyo bang mamasyal? Mag mountain climbing? Mag travel? Anything that you want” Mom said habang kumakain kami.
“Parang fun yung mag-mountain climbing” biglang sabi ni kuya.
“Mag stay nalang po tayo dito kasama sila. Pagod lang yon kuya eh. Let's do boodle fight po again sa lunch” I said.
“Sige Sav. Sabagay, sulit naman na yung pagsstay natin eh” Mom said.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Ganon din sila Mommy.
“Nung bata ako, di pwedeng lumipas ang araw na hindi ako nakakakain ng kwek kwek. Favorite ko yon e” pag uumpisa ko ng kwento kay Ed habang naglalakad lakad kami sa dalampasigan.
“Talaga love? Eh parang wala naman akong makitang street vendors dito ah”
“Bihira na ngayon may maglako ng ganon eh. Dun sa talipapa marami” I said.
“Nakakatuwa yung mga kaibigan mo. Lalo na si Maica. Ang sweet pa nila ng kuya mo” he said.
“Nako, paasa yon si kuya. Naawa tuloy ako kay Maica, baka kasi umasa bigla. Alam mo naman si kuya, isa't kalahating manggagalit rin yon”
“Pero tingin ko naman eh type rin ng kuya mo yon si Maica. Feel ko” he said.
“Naks naman love. Lakas ng pakiramdam mo ah”
“Syempre. Lalaki rin ako no. Di naman magbibiro ng ganon yung kuya mo kung di nya natitipuhan si Maica”
“Hay nako. Sana lang talaga wag saktan ni kuya yon si Maica. Love ko yon eh” I said.
Habang nagkukwentuhan kami ni Ed, may tumawag sa akin mula sa di kalayuan.
“Ate Sabby!” tawag nya sakin.
“Babygirl! Halika dito kay ate” yaya ko sa kanya.
“Sino yon?” tanong ni Ed.

YOU ARE READING
Discounted
Novela Juvenil"Kaya pala dapat 'wag sisihin ang puso sa tuwing nabbroken tayo sa lovelife, di naman sya ang dahilan kung bakit tayo nagmamahal at nasasaktan. Taga-pump lang naman sya ng dugo natin all the times. The best kaya yan, walang kapaguran." - Savree Agat...