Chapter 3
Jillian’s POV
Detention was the modernized Hades.
Ginugol ko ang panahon ko sa paglalamay sa lugar na iyon.
Pagkatapos ng walang kamatayang pagkasuka ko sa guwapong lalaking iyon, pumunta na ako sa room namin ng nakabusangot ang mukha. What happened was torture!
Nanlulumo kong inub-ob ang mukha ko sa desk.
Nakaramdam ako ng yabag kaya hinanda ko na ang aking sarili sa isang mahaba at walang kwentang interrogation.
“What happened?” tanong ng classmate ko. Humirit ng nakakagigil na hiyaw ang iba. Kasama niya pa ang mga kaklase kong baliw sa halimaw na iyon. Kahit di ko pa sila tinitignan, halata naman, eh. Di naman ako ganun ka-slow pumick-up.
Hindi ako sumagot kaya kinalabit niya ako. What now? Why are they bugging me? Gusto ko ng matahimik ang buhay ko.
“Nothing happened.”
“Weh?” she screeched. “Di ba may reflection ‘yun after? What did you write?”
He’s a monster. I hate him. Bipolar siya. Nakakapikon ang ugali niya. Nothing’s so good about him except his looks.
Para matapos na ang lahat ng ito.
“Okay naman pala siya kasama. Especially when he’s not talking.”
She groaned. “Ano ba ‘yan, Jillian. Wala naman kaming mahagip na chismis sa iyo, eh.”
Enough, guys. Please. Gusto ko ng bumait.
“Talk to him then,” mahinang sagot ko.
She gave me a disappointed smile. “Okay, thanks.”
After she left, naalala ko ang mga nangyari kanina.
Okay, he’s cool and I wouldn’t deny that. But his angst is suffocating. And oh, binigyan niya rin ako ng pagkain dahil nakakaawa naman daw ako. When did humiliating me become his habit?
Tumawa pa siya habang pinapanuod akong kumain. Para daw ang sarap sarap ng kinakain ko samantalang sandwich lang daw iyon. He even kidded na sana daw linagyan niya ng lason iyon kung alam niya lang na kakainin ko. Pero joke lang daw. Nakakairita talaga siya!
Napailing ako. Kakalimutan ko na nga iyon. Badtrip! Pero how can I? Bagay na bagay sa kaniya ang topic namin ngayon sa Ecology. Ah yeah, kanina pa dumating ang Prof. ko.
PARASITE.
Isa siyang malaking parasite. Not the scientific meaning, though. But he’s the kind who receives a lot of support from fangirls-people who likes him-even if he doesn’t deserve it. Psh!
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?