Chapter 67
Jillian’s POV
“EMEGED!!!! WAAAHH!!” sigaw ng sigaw si Mitch. Grabe nakakarindi na yung boses niya sa totoo lang.
Naikwento ko na kasi sa kaniya yung nangyari nga kagabi. Syempre hindi ko magawang maglihim sa bestfriend ko kaya ayun tuloy.
“Eeh! Wag ka nga kasing magulo diyan o! Ano ka ba! Nahihiya tuloy ako,” reklamo ko habang nakayuko. Mas kinikilig pa kasi siya sakin, hiyang hiya naman ako di ba?
“Ano bang kinahihiya mo! Hello te! Si Cyrus lang naman ang nanliligaw sayo! Hello talaga te! Madaming babaeng makikipagbabakbakan makuha lang siya tapos ikaw ngayon na ang liniligawan. Wala kang dapat ikahiya.”
Inangat ko yung ulo ko sabay kuha ng biscuit. “Ayun na nga e! Alam mo yun? Bakit siya pa?”
“Wow naman a, parang ang laking tinik naman sa dibdib mo nun,” inalog alog niya pa ko.
“Ah e hindi naman kasi sa ganun no. Ang akin lang kasi. Ah basta!”
Inubo-ob ko na lang yung mukha ko dun sa table.
Matagal na naging tahimik nun.
“Hoy!”
“Ano ba Mitch! Wala ako sa mood!”
“Di ako si Mitch,” sagot naman nito kaya lumingon ako para makita.
“Hi Cyrus. Kamusta? Buhay ka pa pala? Ah e! Bakit ka nandito? Gutom ka ba? Gusto mo bang maupo? Sige alis na kami,” nagmamadaling sagot ko. Ano ba ‘yan nag stutter pa ko.
“Huh?” nakakunot pa yung noo niya.
“Ah wala wala. Diba Mitch aalis na tayo?” binigyan ko ng ‘makiride ka na lang look’ si Mitch.
“Oh? Sa pagkakaalam ko wala na tayong klase sabi ni Mam,” nang-aasar na sagot niya tas may nakakaloko pang ngiti sa mukha niya.
Walang pakisama.
“Wala naman pala e,” sabat naman ni Cyrus.
Napa facepalm na lang ako. Bakit ba pahamak ang isang to?
Naupo lang sila ni James sa tabi namin. Nasa harapan ko naman siya at hindi ako nagsasalita. Nakayuko lang ako at pinagdadasal na huwag nya kong kausapin. Anoba! Nahihiya kasi ako e!!!! EEEEHHH!!!
“Hoy pengs, ayos ka lang ba? Namumutla ka,” pagpuna pa nito sakin.
“Ha? Ako? D-di a, b..bat na..naman ako mamumutla. Joke mo a,” nauutal utal na sabi ko.
Ayos ka nga! Jillian! Please lang makisama ka ha!!! Anoba!!!!!
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?