Chapter 35 Smooth criminal

20.2K 143 15
                                    

Chapter 35

Jillian’s POV

What did they just say? Ihahatid nila ako? Oh, God. Am I hearing this right? The two of them? Hindi naman ako nagha-hallucinate or what. I’m sober and sane.

Pinagmasdan ko silang dalawa at tila ba naghihintay sila sa sagot ko. Hindi ba silang dalawa na lang? Mas masaya naman kung may kasama, eh. But the thing is, one of us is out of way. How do I deal with this?

“Ako na lang ang maghahatid sa’yo. Pareho tayo ng way,” ani ni Cyrus at inakbayan ako. Kinalabutan ako sa ginawa niya. Grabe talaga ang ka-plastikang taglay ng lalaking ‘to. Doesn’t he have a conscience? If only he got one, maybe he’ll stop bugging me. If only, really.

Inalis ko ang kamay niya at hinarap siya. “Stop being such a girl, Cyrus!” I gritted my teeth. He ignored my remark and smirked. Nang-iinis lang talaga siya. He really enjoys seeing me fuming. 

“Wala kang dalang motor,” aniya kay Nick.

“Teka, sino nagdala ng motor mo? Wala naman iyan kanina, ah,” komento ko. Hindi naman niya kasi ‘yan dala kanina kaya sobrang nagtataka ako. He’s no magician to have it in one snap, right?

“Pinahatid ko sa driver namin kanina. Lumabas ako kanina para kunin ang susi mula sa kaniya,” he explained. 

Nick cleared his throat. “Ganoon ba? Sige lang, Cy. Pero gusto ko sanang maglakad para matunaw ‘yung kinain ko,” he said—almost talking to himself. Nakokonsensya tuloy ako dahil sa sinabi niya. He’s my first choice, anyway. Kapag kaming dalawa, romantic. Kapag kami ni Cyrus, epic. For sure, mag-aaway lang kami buong oras.

“Oo nga naman. Isa pa, masaya maglakad ngayon dahil maraming stars, right?” I shifted my gaze at Nick. He nodded. Masyadong halata na gusto kong sumama kay Nick. Pero anong magagawa ko? Sinusunod ko lang naman ang dinidikta ng puso ko.

“Tsk! First time mo ba makakita ng stars? Bakit, pinanganak ka ba kahapon?” singit ni Cyrus. Anong problema ng isang ‘to? Inaano ko ba siya at galit na galit siya sa akin?

“Pakialam mo ba? Inggit ka ba? Edi gumaya ka. Problema mo?” I hurled back. He’s really annoying.

Pinanuod kami ni Nick habang nag-aaway kami. He isn’t used to us yet.  Weird lang kasi palagi niya naman kaming nakikita na nag-aaway. Hindi na siya nasanay.  

I intentionally nudged his arm to show how pestered I am. “Delikado maglakad-lakad sa panahon ngayon. We never know, maybe the bad guys are just around,” Cyrus said. Yes, they are around Cyrus. And I am talking to one of them right now. Tss.

Anyway, mas okay nga na may bad guys na darating kapag magkasama kami ni Nick. Ipagtatanggol niya ako laban sa kanila tapos magkakaroon kami ng eksenang dalawa. He will fight for me like of those in the movies. Isn’t that sweet? 

But before I bore away with my one-sided fairytale story, I looked at Nick, who right now I think just got deceived by Cyrus. Nakakainis naman! Bakit ba ang gullible niya?

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon