Chapter 24 Steal my breath

21.9K 176 8
                                    

Chapter 24

Jillian’s POV

Pagkatapos ng klase namin ay nagpunta na ako sa practice area. We worked on the flats and sharps. Hindi naman maiiwasan ‘yun. Pati rin sa mga musicians namin, hirap kasi ‘yung iba sa mga pabago-bagong keys. ACES lang yata ang sanay dahil nga banda sila. Ako rin naman, though hindi ako masyado sa technical, si Alec kasi ang toka doon sa amin.

Pati ‘yung ibang performances din ay inayos na. Dumating ‘yung kapatid ni Ma’am Iza para linisin ‘yung mga sayaw. Nang mga panahon na ‘yun sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na singer ako. Ang hirap kasi ng ginagawa nila, eh. Ang daming steps na dapat isaulo.

Good thing at ilang araw na lamang ay matatapos na ang pagpapractice namin. Ibig sabihin, no Cyrus. Yes! I’ll be free, konting panahon na lamang. Right now, I have to bear the pain of having him every single day of my epic life.  

“Jillian,” called a voice.

I immediately looked where the voice is coming. Woah, it was Cyrus. Anong sakit niya at tinawag niya akong Jillian?

“What?” I asked him. My forehead creased.

Agad siyang lumapit sa akin at pinagmasdan ako. “You looked so annoyed,” aniya.

“Hehe,” sarcastic na tawa ko. “Bakit kaya?” Hindi pa ba obvious na dahil ito sa kaniya? Hindi ba siya nakakapansin? Matalino naman siya kaya siguro naman sa mga simpleng pahapyaw ko ay maiintindihan na niya na hindi ako masaya kapag nakikita ko siya. He is suffocating!

“Ewan. How would I know?” he asked nonchalantly.

Can’t he get it? He’s the reason behind this anguish. Everyday I have to keep myself calm because he’s always getting on my nerves.

You should know because you are the problem right here, you dope! Tss.

I turned my back from him and I started walking. Along the way, we met Nick. Wow, day in and day out. I smiled upon seeing him. Buti na lamang at nandito si Nick para iligtas ako mula sa pagka-inis ko kay Cyrus.

“Jah, na-late ka ba?” he asked.

I shook my head. “Hindi. Eh ikaw?”  

“Hindi rin, sakto lang.”

“Mabuti kung ganoon.” Nakangiti pa rin ako. Can we freeze this time, please?

He glanced at his wristwatch. “Anyway, may klase pa ako, eh. See you around,” paalam niya.

Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang saglit ko naman siyang nakita ngayon. Sapat na ba ‘yung silay ko para buuin ang araw ko? I think I should be contented with this. I don’t have any right to demand anything from him. Especially that I am trying to conceal these feelings. I am not brave enough to tell the world that I like him.

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon