Chapter 22
Jillian's POV
Naguguluhan. Iyan ang tamang depinisyon para sa nararamdaman ko. Actually, that word isn't enough to suffice this crazy feels!
Pero bukod sa hindi ko maintindihan na kagulumihanan ay naramdaman ko ang pagpasyon ng tiyan ko. Ang arte ko kasi, eh! Hindi ako kumain kanina sa Karaoke House! Now I am reaping the fruit of my stupidity! That was too much for my pride. Ayoko kasing isipin ni Cyrus na masaya ako sa nangyari kanina or nag-take advantage ako so I kept my pride with me. I didn't eat. The least that I did was stare at the food served. Hindi din naman ako mukhang naglalaway dahil hindi naman ako gutom kanina.
I prepared my food after few minutes. Of course, no one will do that for me. Habang abala ako sa paghahanda ng pagkain ko ay hindi ko na naman maalis sa isipan ko ang ginawang iyon ni Cyrus.
Why does he have to ruffle my hair? Does he find that funny? Sure thing! He loves to make fun of me, pero that time-it was inappropriate. Wala ako sa mood na tumawa o kung anuman. He should know how to stop his antics! Madalas kasi ay hindi nakakatuwa kapag ganoon siya.
Wala ako sa mood maglaro ng Mario. I do not want to watch any film either. Ayokong magmukhang stupid kakatawa mag-isa, Mikey is asleep now. I saw her sleeping in her room, I checked on her when I arrived.
I slumped onto the couch and rested my back. I deserve this rest, right? Matapos ang nakakabaliw na araw na 'to, pwede naman siguro akong magrelax at i-enjoy ang sarili ko.
Nagtimpla ako ng kape at kinuha ang mga natitirang chips sa refrigerator namin. Magiliw kong ine-enjoy ang sarili ko nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Tunog ito ng isang motor. Say whut? Anong mayroon? Bakit parang papunta sa amin? Err, don't over think, Jillian. Baka napadaan lang sa bahay ninyo.
Come on, hindi mo pagmamay-ari ang kalsada kaya huwag kang mag-inarte.
I shrugged the idea off and I started watching the television. Cartoon Network will do. Oggy and the Cockroaches! Oh, what a funny show. Masaya ko silang pinapanuod nang makarinig ako ng katok sa pintuan namin.
"Jah," tinig ng isang pamilyar na lalaki.
Huh? Jah? That means . . . si Nick iyon, right? No one is calling me Jah except him. Pero ano naman ang ginagawa niya dito? Ah, baka ilusyon ko lang 'yun. Maybe I've daydreamed too much of him. Kaya siguro ganito ako ngayon.
Suminghap ako at nagpatuloy sa panunuod. Pinatong ko ang paa ko sa table sa gitna ng sala namin at magiliw na tinawanan ang ka-kornihan ng palabas na 'to.
"Jillian Althea De Guzman Hontiveros," sambit niya. Nagitla ako sa ginawa niyang iyon. Does he really have to complete my name? For Nirvana's sake! It's real, nandito nga siya sa tapat ng bahay namin.
Agad akong tumayo at binitawan ko ang remote sa couch namin. Nagpunta ako sa pinto at pinagbuksan ko siya. Tumambad sa akin ang hapo niyang mukha-but of course, his ever famous smile was still there. I like that.
"Anong mayroon?" agad kong usisa.
"Wala naman," nakangiting sagot niya sa akin. Nang-aasar ba siya? Wala daw pero kulang na lang ay magwelga siya sa harap ng bahay namin.
"Umuwi ka na nga sa inyo, Nick," utos ko sa kaniya.
"Can we talk?" seryosong tanong niya.
"We're already talking."
"Jah," seryosong tawag niya sa akin. Nawala ang ngiti sa mukha ko. Fine, I over did it. Maybe I have crossed the line. I should get serious, ayoko kasi ng ganito siya, eh.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?