Chapter 45 Where art thou?

18.7K 135 11
                                    

Chapter 45

Jillian’s POV

“Don’t worry, guys. Ibabalik din nila agad si Cyrus dahil hindi nila kakayanin ang ugali noon,” ani ko habang kumakain. Ako na ang umubos dito sa snacks na hinanda nila.

They threw me another set of deadly glares. “Joke lang, okay?” agad kong bulalas. Para kasing in no time, sasagpangin nila ako. Gusto ko pang mabuhay.

Lumapit sa akin si Mitch at hinila ako palayo sa kanila. “Thanks sa merienda, pardz. Kakausapin ko lang ‘to,” paalam niya habang kinakaladkad ako.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala na akong depensa. Lahat na yata ng naisip ko na dahilan para itago sa kaniya ang tunay kong nararamdaman ay linangaw na.

I was quiet the whole time. James called for a taxi. Mitch and I sat at the back.

Soon as nakaupo ako, dumantay ako sa bintana. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga.

Naramdaman ko na hinihimas ni Mitch ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. “Anong problema?” tanong niya sa akin.

I feigned a smile. “Nothing.” I paused to stop the sob from escaping. “Mitch, pwedeng humingi ng favor?”

“Sure. Ano ‘yun?”

“Paiyak ako sa balikat mo hanggang sa makatulog ako. Pero huwag mo ng itanong kung bakit. Wala akong isasagot. Hindi kita kayang sagutin,” tapat na pakiusap ko sa kaniya.

She nodded. I immediately leaned my head in her shoulder. After that, my tears became a waterfall.

Pumikit ako at nagdasal.

“Lord, paggising ko sana wala na ‘to. Ang sakit sakit na kasi. Hindi ko na po kaya.”

*****

Mitch’s POV

  

“Tulog na ba?” tanong ni James habang nakatanaw sa amin ni Althea.

I nodded. “Yup. Mabuti nga at makakaidlip siya.”

“Ano bang nangyari? She’s acting weirdly.” 

I answered a shrug. Kung alam ko lang sana. Pero hindi, eh. Mula ng bumalik siya mula sa labas kanina, naging weird na ang mga actions niya. What happened? I don’t have an idea either. She’s been keeping a lot from me. I am hurt but I wouldn’t hold it against her because I know, right now what she needs is understanding. Kaya kahit ako mismo naguguluhan, iintindihin ko na lang siya. She needs me. She needs us.

Sinuklay ko ang buhok. Nabasa na ng luha ang kaniyang mukha.

Hindi ako sigurado sa dahilan pero mayroon na akong iniisip na rason. I just don’t wanna conclude yet. What if I’m wrong?

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon