Chapter 23
Jillian's POV
Luminga ako sa paligid at ang magandang sikat ng araw ang sumalubong sa akin. And this is how you do good mornings. The sweet scent of the morning breeze made me hug the pillow beside me. Gusto ko pang matulog.
"Ma'am," called a voice.
Agad kong kinumos ang aking mga mata at naupo ako sa gilid ng kama. Hinawi ko ang buhok ko na nakasalampak sa mukha ko. I felt so comfortable, feeling ko ay meant to be kami ng kama na ito. If only I could lay in bed all day, I would. But I know that's impossible.
Suminghap ako para marelax ako. "Po?" ani ko habang nakatingin sa pintuan.
"Handa na po ang almusal," wika ng tinig mula sa labas.
"Sige po, susunod na ako," magalang na sagot ko.
Ang sarap naman ng ganito, may gigising sa 'yo para ipaalam na kakain ka na. Nagstretching ako saglit at tumingin sa paligid. Tumayo ako at nagpunta sa may bintana, tinanaw ko 'yung labas. Someday I'm gonna live here, for good. Right. The future is bright. Haha.
I went to the comfort room and fixed myself. Buti at mayroong mga unused toiletries sila dito. After doing my ritual, bumaba na ako para kumain. Nasa bungad pa lamang ako ng kusina ay napangiti na ako. Ngayon ko lang kasi siya na nakitang nakaganito, eh. He looks so cute. He's so squishy!
"Why?" he sheepishly asked when our eyes met.
"Nothing." I answered while stopping myself from screaming. Kung sigurong hindi lang nakakahiya ay naghuhumiyaw na ako sa sobrang tuwa ko sa kaniya. I can't get enough of his cute outfit.
"Bakit nga?" His forehead furrowed. Gwapo pa rin siya kahit na nagsusungit siya, though napaka-unusual noon para sa kaniya dahil lagi naman siyang nakangiti.
"Ang cute mo kasi, eh. Nakapajama ka pa," tumatawang hayag ko. Lumapit ako sa kaniya pero tinulak niya ako papunta sa may table.
"Pumikit ka nga," utos niya pagkatapos ay tumalikod ito. Nahihiya siguro siya. Wala naman siyang dapat ikahiya kasi bagay naman sa kaniya, eh.
"Ayoko nga!" I insisted. Tinulungan ko siya sa paghahanda niya ng almusal. Kinuha ko iyong mga pinggan at baso.
"Okay! You win, kain na," aniya at naupo na rin sa tabi ko.
We will eat together. Breakfast with him sounds great. I so love this.
"I'll bring you home after this," said Nick while we're in the midst of the romantic breakfast.
Ghad! Shut this dallying, Jillian.
"Okay." Kinikilig ako! Pakiramdam ko makakagawa ako ng krimen kapag hindi pa ako nakapagpigil sa mga naiisip kong ito.
Magiliw kaming kumain, ang gwapo niya rin kumain. Napakasophisticated pero hindi intimidating. May table manners siya pero hindi nakakasuffocate. Mayroon kasing iba na nasobrahan sa table etiquette kaya napaka-uncomfortable kasama pero he is different from all of those people.
I'm having the best breakfast of my life, thanks to him.
Kinuha ko ang juice na nasa tabi ko at sinalinan ko siya. Wifely duties? Ah, yes. I'm all set with that. Haha. I mean-tapos na kasi siya sa pagkain niya, eh. Para naman kahit sa ganito lang ay may magawa ako for him.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?