Chapter 7
Nang makalabas ako ng gym, hinanap ko agad si Mitch. Nagpunta ako sa likod and I found her there. She's hiding behind the tree. I went beside her. "Hey," walang ganang sambit ko.
"Sorry, Althea ah."
"Wala 'yun," sambit ko. Siguro kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na nangyari na ang lahat. I'll just get this over and done with. "Stay muna tayo."
Dahil may event, half-day na naman. Pero dahil tinatamad pa akong umuwi, I decided to stay.
Habang naglilibot kami, may nakita akong something sa Announcement Board.
"Shocks! Next week na pala 'to! OMG!" Mitch screeched upon reading it.
"Do you have to do the screaming part?" inis na asik ko.
"I'm so sorry. Na-excite lang talaga ako!"
May Acquaintance party kasi next week. Buong second year student body ng college namin ang invited! Wow, ha!
"Pupunta ka?" tanong ni Mitch sa akin.
Napaisip ako dahil sa sinabi niyang iyon. Wala akong planong magpunta doon. Not even in my dreams! Last year nga hindi ako sumipot, eh. Ngayon pa kaya? Syempre hindi no.
"Nope."
"Why?!" galit na sagot niya.
"Because I don't want to. Basic," sagot ko.
"Geez, Althea naman, eh. Pumunta ka na, please?" pakiusap niya.
"I don't know, Mitch. I really don't know."
Umuwi na kami pagkatapos naming tumambay sa veranda ng school. Wala na rin naman kasi kaming pwedeng gawin dito sa school.
--
Habang pauwi kami, naabutan namin sina Cyrus. Gusto ko ngang bumalik mula sa pinaglakaran namin pero huli na ang lahat.
"Jillian," wika ng isang pamilyar na tinig.
Wait, ano ang ginagawa ni Nick kasama sina sungit?
"Hey," wika ko habang pinagmamasdan siya. My gaze shifted where Cyrus and his friends are.
"Saan kayo pupunta?" I asked after roaming my eyes.
"Kakain kami. Sama kayo?" tanong niya sa amin.
"Huh?"
"Tara, Jillian," ani nung G. Narinig kong tinawag siya ni Cyrus sa ganoong pangalan kanina.
"Huh? Bakit naman kami kasama sa inyo? Huwag na . . . isa pa, busog pa kami," sagot ko.
*Gruu!*
Nick laughed because of it. Nice one, glutton tummy. Bakit ngayon ka pa tumunog ng ganiyan? Pinapahiya mo talaga ako.
"Tara na?" he asked.
"Tara na, Althea. Libre iyan. Huwag ka ng tumanggi pa," wika ni Mitch nang lumapit siya sa akin. As if I have a choice. Wala naman, eh. Kaya sumunod na lamang ako sa kanila.
We went to Town Square. Mas marami kasi ang mga kainan doon, eh. Si Nick ang sumagot ng pamasahe naming lahat. Wow, yaman! Wow, husband material.
Nang makahanap na kami ng restaurant, agad na kinuha ni Mitch ang menu. Tss. Siya pa talaga ang mas nauna kaysa sa kanila, huh.
"Order ka lang," wika ni Nick.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?