Chapter 68
Jillian’s POV
*1o minutes later*
“Gusto mo ng juice?” tanong sakin ni Bear pagdating niya sa pwesto ko.
“Di. Wag na. Thanks na lang.”
Linapag niya yung dala niyang books. “Okay. May matutulong ba ko?”
“Okay ng nandiyan ka. Sapat na yun, sobra pa nga e. Pero joke lang wag kang kiligin.”
“Oo na. Kainis ka!”
Masyado na kong abala sa kaniya, tsaka gusto ko ako mismo makagawa nito para alam ko yung ginagawa ko, maya matapos nga ako agad di ko naman alam ang content diba? Maya nganga ako sa araw na ipe-present ko to.
Tumabi siya sakin at ginaya ako, nag Indian sit din dito sa floor. May carpet naman e.
“Mahirap ba?” pag-uusisa niya sabay kuha ng book tapos iniscan niya.
“Oo,” e sa nahihirapan ako e. Totoo naman kasi e.
“Kaya mo ba?”
“Kakayanin ser.”
Hindi na siya nagsalita pa instead ay pinanuod lang ako na gumawa dito. Nakakailang naman, ayoko kasing tinitignan ako e.
“Wag mo nga kong panuorin. Dun ka!” tinaboy ko siya paalis.
“Dito lang ako sa tabi mo para may inspirasyon ka,” pang aasar pa niya.
“Mukha mo! Inspirasyon your face, distraction kamo.”
“Gwapo ko namang distraction.”
“Kapal mo namang distraction.”
“Gumawa ka na lang diyan.”
*After 1 and a half hour*
Ang sakit na ng kamay ko, kanina pa ko sulat ng sulat dito. Ginagawa ko na din kasi yung assignments ko.
Shinake shake ko yung kamay ko para mawala ng onti yung sakit. Nakita ko naman si Cyrus na binabasa yung libro.
Binaba niya yung libro. “Masakit ba?” tanong niya sakin sabay tingin sa kamay ko.
Nag nod ako.
“amin na!” hinigit niya yung kamay ko.
Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya. “Te-teka anong gagawin mo?” natatarantang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?