Chapter 38 Masungit na sundo

20.7K 152 6
                                    

Chapter 38

Jillian’s POV

I yawned too much I thought I would eat my bed. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. The truth is, muntik ko ng maihagis iyon. But . . . binili kasi namin ni Cyrus ‘yun sa Divi kaya nagdalawang isip akong ituloy ang planong sirain ‘yun.

Umagang-umaga tapos Cyrus agad ang bungad ng utak ko sa akin. I had a rough night because of him and then, here I go again with the thoughts of him.

  

When I checked my clock, it’s 8:00 am already. Hindi ganoon kaaga pero para sa kagaya kong puyat ay kulang pa rin ang tulog ko. Lately talaga hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil kay Cy—dahil sa adik ako. Tama, ‘yun lang ‘yun, right?

  

When I had already fixed myself, I went downstairs to have my breakfast. Soon as I got into the kitchen, I saw this piece of paper. 

‘Yiee! In love si Ate! Ang cute nung Nick. O baka si Cyrus ‘yun? Both are gorj. Kung sinuman ang ‘di mo piliin sa kanila, tandaan mong nandito lang ako para saluhin ang isa. Okay? Love, Mikey.’

I think my Dad just spoiled my dilemma to my tactless sister. She’s too young and she’s drooling over those guys already! Grabe talaga ang kalandian sa katawan ng kapatid kong ‘to! Dinaig pa niya ako!

But nonetheless, I had to snort to that letter. It was sort of embarrassing yet sweet. At least, even though my sister and I aren’t having small chitchats, she’s still all concerned about my one-sided, self-created love life.

Medyo madami na kasi akong utang na bonding sa kapatid ko, eh. I think I have a lot of catching ups to do with her. Next time, when I have some hours to spare, I would do it with her.

Bago pa man ako maiyak sa ka-dramahan ko, nag-almusal na ako. I had a not so grand breakfast with myself. The coffee made my morning. I felt a little bit relaxed. It’s funny how something that could actually kill you makes you feel alive. Not literally. I was being metamorphic again. Tss.

Masyado akong naging masaya kasama ang sarili ko kaya hindi ko na napansin ang oras. Nakalimutan ko na kailangan ko palang magpunta ng school. We don’t have classes today. All we ever have to do is practice for the whole day.

Kinuha ko ang bag ko sa kuwarto. Wala namang laman, props lang. Para kunwari nag-aaral talaga ako ng mabuti. 

I was about to leave when I remember I don’t have my phone with me. Napakamakakalimutin ko talaga. Linibot ko ang buong kwarto ko para mahanap ko ito pero wala pa din. I tried looking for it everywhere but I just got tired.

Sumuko na ako at nagpunta na lang sa C.R para i-check ang itsura ko bago lumabas pero may magandang pangitain na bumungad sa akin.

   

“Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa ako!” inis na sambit ko habang nakatingin ako sa cellphone ko. Naiwan ko yata ito dito kagabi. Mabuti na lamang at hindi low battery. Hindi ko naman kasi madalas gamitin, eh. Nagtetext lang ako kapag kailangan. Pero kapag walang sense ang gusto kong sabihin, hindi ko na lang din itetext dahil sayang sa load.

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon